Isang Iglap

7 0 0
                                    


Isang ordinaryong araw nung una kang masilayan

 Isang ordinaryong taong tulad ko sa isang diwatang kagaya mo

 Dalawang dipa ang layo

 Makinis mong kamay nais mahagkan

 Sa panginoon laging pinagdadasal

 Isang katulad mo ninais na kaytagal

 Isang pagkakataon ang hinihiling

Para patunayang pagmamahal ko sayo ay walang kahambing

Gagawin ang lahat mapasaya ka lamang

Ituturing kang princesa sa lahat ng dilag

Makasama at masilayan ka masaya na kahit itoy panandalian lang

Dahil ang puso ko ay tuluyan mo ng binihagIsang lalakeng katulad ko para sa isang babaeng tulad mo,

Teka, teka parang ito ay malabo

Isang gabi lang ba ito ng panaginip?

O isang mapaglarong imahinasyon lamang sa loob ng aking isipan?

Naging masaya ang takbo,

 Parang takbo ng sasakyan na bago

Puno ng mga bagong masasayang pangyayari

Parang walang katapusang pamamasyal na ikaw at ako lang ang magkatabi

Katapusan o Pamamaalam di sumagi sa aking isipan

Pero bakit bigla ka nalamang nanlamig?

Buhay pa tayo, pero patay na yata ang pag ibig

Ako ngayon ay naliligaw sa mundo ng kawalan

Ano ba ang nagawang mali?

Pagkakasala at pagkukulangko ay akinginaamin at handangitama

Ang alam ko lang na aking pagkakamali,

Ay ang mahalin ka ng sobra sobra

Isang iglap ng ikay makita

Isang iglap ng kitay mahalin

Isang iglap lahat ay nagbago at nawalang parang bula

Isang iglap iba na pala ang iyong piniling makasama at gustong mahalin

Isang IglapWhere stories live. Discover now