26

136 4 1
                                    

dana's

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.

Naglalakad lang ako, hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko.

Ilang minuto pa, napatigil ako. Napatingin ako sa napuntahan ko.

Sa harap ng puntod ni Lyka. Napaupo ako.

At nagsimulang umiyak.

"Lyks, sorry kung pinupuntahan lang kita pag may problema ako ah. Alam mo namang kayo lang ni Minhyun 'yung may alam nito. Miss na miss na kita, Lyks. Alam kong naririnig mo ako ngayon. Kailangan ko lang talaga ng peace of mind." Umiyak lang ako nang umiyak. Magsasalita dapat ako nang...

"Kung nandito 'yung bebe ko, hindi ka niya hahayaan umiyak ng ganiyan."

Seongwu?

destiny | y.jsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon