Confrontation!

62 2 0
                                    

Hello may kausap ba ko?

May kasama pa ba ako?

Yohoooo!

Sabay pitik ni Ayla sa tapat ng mukha ni Saya.Kasalukuyan sila ngayon nasa tapat ng Administration Building at nakapila sa Cashier dahil inutusan si Ayla ni Maam Riego para ibigay ang isang papel sa University.

Hoy!!!!! Pabulyaw na sabi ulit ni Ayla.

Natinag naman si Saya. Tss..Ano ba? Makasigaw ka diyan wagas ah...

Eh kasi naman friend kanina ko pa sinasabi sayo na samahan mo ko sa Mall mamaya dahil inutusan nanaman ako ni Mama may bibilin lang ako..Pero ikaw nakatulala lang....naubos na nga ata yung laway ko ayaw mo parin ako pansinin..pagiinarte ni Ayla.

Hmm...Sorry may naalala lang kasi ako.Sige sasamahan kita.

Ngumiti naman si Ayla..Salamat friend. Saka niya inabot sa isang babae yung papel na hawak niya.

Maam pinaaabot po ni Maam Riego.

Okay!

Saka na lumakad at umalis yung dalawa.

Flashback ng naalala ni Saya.

Bulong-Bulungan sa Hallway habang papunta sila sa Administration Building.

"Uy Girl napanood mo ba yung news..grabe namatay na pala si Mr Ang..may itsura pa naman yun..Nagko-Commercial Model yun diba?"

"Oo nga Girl..Sayang naman"

"Balita ko nag-Drugs daw."

"Hmp..siguro..mayaman eh..malamang may pambili"

"Pero Sayang talaga"

Tss hanggang dito ba naman sa School kalat yan..sa loob-loob ni Saya.

Tapos habang nakapila na sila ni Ayla. "Bigla niyang naalala ang pang-aakit na ginawa niya." Biglang pinangtaasan ng balahibo si Saya" pati ang kaibigan niyang madaldal hindi niya na pinapansin sa mga pinagsasabi-sabi.

End of Flashback

Okay Class dismiss!

Dali-daling tumayo at kinuha ni Black ang Bag niya at inunahan na lumabas ng Room ang mga Classmate niya sa paglabas.

Kumaripas siya ng takbo papunta sa Room ni Ayla.

Pero wala na ito..ganun din sa Room ni Saya wala na din ito.Nagpunta nalang si Black sa Parking Lot at pinaharurot niya ng takbo ang Motor niya sa 110 speed.

Nasa Highway na si Black ng may mapansin siyang nakaharang na Dalawang Kotse sa di kalayuan.

Hininaan ni Black ng bahagya ang pagpapatakbo.

Hanggang sa huminto na siya sa mga nakaparadang sasakyan sa daraanan niya.

Inalis ni Black ang helmet niya at saka pinarada sa gilid ang Black Monster Bike.

Dahan-dahan siyang lumapit at kumatok sa tinted mirror ng kotse na siyang nakaharang.Nakatatlong katok na siya bago ibaba ng nasa loob ang bintana.

Dahan-dahang bumababa ang bintana at niluwa doon ang lalaking maitim na buhok..matangos na ilong..medyo singkit na mga mata..manipis na mapupulang labi at kumikinang na kutis sa kaputian.

Nagulat si Black sa nakita at para siyang naitulos sa kinakatayuan lalo na ng mag smirked ang lalaki sa kanya.

Kamusta Pinsan? Nakakalokong pahayag ni Jans sa kaharap niyang si Black na hindi gumagalaw.

Ka..Kailan ka pa nandito sa Pilipinas utal na pagkasabi si Black.

Lumabas ng kotse si Jans saka niya hinarap ng face to face na nakatayo si Black.

Nagtitigan silang kala mo may kuryente sa pagitan ng kanilang mga mata sa masama nilang tinginan.

Naunang magsalita si Black. Bakit anong pakay mo sa akin?

Tss..Marami pinsan..Una sa lahat gusto kong sabihin sayo na traydor ka! Madiin na sabi ni Jans.

Boggs!! suntok ni Jans agad sa mukha ni Black.

Napaupo naman si Black pero bumangon agad..Saka sinuntok din sa mukha si Jans. Boggs!

Sapo-Sapo ni Jans ang mukha niya saka niya ito inayos na kala mo lumihis ang panga niya..saka siya tumawa ng mapakla. Ha ha ha.

Umayos ng tayo ang dalawa na parehas na naka-akto ng kamay na parang sa Boxing na naghihintay nalang kung sino susugod.

Ano bang problema mo Jans? Galit na banggit ni Black.

Ngumisi naman si Jans. Psh tanga! Kunyari ka pa alam mo naman ang dahilan?

Saka ulit sinuntok ni Jans si Black sa ilong.

Boggs Boggs! Napahiga naman sa semento si Black.

Arggg daing nalang ni Black sa sakit! May tumulong dugo nadin sa ilong niya agad naman niya itong pinunasan.

Boggs sugod na suntok naman ni Black ng makatayo siya ngunit nailagan naman ito ni Jans at ngumisi pa. Napagewang-gewang naman si Black sa hangin dahil sa lakas ng impact niya sa pagsuntok na hindi tumama.

Ha ha ha...tawang mapakla ni Jans.

Katawa-katawa ka Black.

Hindi mo siya makukuha sakin..Traydor ka pinaubaya ko sayo si Sue para bantayan pero sinulot mo siya.

Gago! Wala kang utang na loob, pinabantayan ko sinamantala mo naman.

Tss...Wala kang pakialam matigas na sabi ni Black.

Sinugod ulit ni Jans si Black at hinawakan sa gilid ng damit niya saka niya sinuntok ng kaliwa't kanan ang mukha niya. Boggs! Boggs! Traydor! Traydor! Galit na sambit ni Jans habang pinapatay niya na ng suntok si Black.

Sinipa ni Black si Jans sa sikmura ng malakas at tumama ito sa gilid ng kotse niya..nagkaroon siya ng pagkakataon para kumawala.

Arggghhhh! Sigaw naman sa sakit ni Jans na tumama sa kotse.Susugod na sana kay Black ang mga kasamahan ni Jans pero pinigilan nito.

Huwag! Pabayaan niyo siya. Huwag kayong mangialam! Gigil na sambit ni Jans sa mga tauhan niya.

Nilapitan niyang muli si Black na nakayuko sa kalsadang nakaluhod at tumutulo ang ibang dugo sa semento.

Sinipa ni Jans si Black sa balikat..na siyang nagpahiga kay Black ng tuluyan.

Nagkamali akong palapitin ka sa Heaven's Imperial.

Traydor ka alam mong mahal ko si Sue..pero anong ginawa mo..gigil na sabi ni Jans.

Nagsalita naman si Black na ngumingiwi sa sakit ng panga..Psh Wala akong kasalanan hindi ko kasalanang mahalin ko si Saya...Mahal na mahal ko siya! Sigaw ni Black kay Jans.

Gigil namang nagpigil sumuntok si Jans. Bullshit! Tigilan mo siya..akin siya! Ako ang mahal niya.

Saka sumakay si Jans sa kotse niya at pinaharurot ito sa kalsada. Naiwan si Black doon na nakahandusay at duguan ang mukha.

Nakatanaw si Black kay Saya at Ayla na nagkukulitan na nakapila sa Administration Building.

Pinagmamasdan maigi ni Black si Saya..habang nagfla-flashback sa utak niya ang naging konprontasyon nila ni Jans nang mga nakaraang araw.

Sorry Saya! Hindi ko pweding ipaalam sayo na nagkita kami ni Jans. Selfish ako Saya..Mahal na mahal kita! Hindi ko hahayaang mapunta ka sa taong yun. Hindi Saya! Sabi ni Black sa loob-loob niya habang nakatanaw kay Saya.

__________________

Itutuloy XD Thank you!

God bless you!

Vindictive GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon