Chapter 7: Vacation 4

168 7 0
                                    

Jimin's POV

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala

Nadatnan ko si Jacob na nakaupo sa Sofa at na nonood ng Balita

Hindi niya pa ako napapansin kaya nuñg pagkaupo ko ay nagulat siya

"Oh! Jimin nakakagulat ka naman!"

"Huwag mokong sigawan"

"Nga pala Jimin pasensya na doón kay Gun Min ahh"

Bigla naman akong napatingin sa kaniya ng walang emosyon..

Binalik ko naman ang tingin ko sa tv...
Hindi nalang ako umimik.

"Nagkausap naba kayo ni Yoonji?"

Hindi ko siya sinagot. At nanood nalang ng Tv

Tumango tango nalang siya sa kahihiyan.. Maya maya ay nagpaala ito sa akin

"Ahh Sige pare alis muna ako. Punta lang ako sa backyard"

Tumango nalang ako..

Pagkaalis niya ay nahiga naman ako sa Sofa. Pinalipat lipat ko yung channel sa tv pero wala naman akong nagugustuhan.

Kaya pinatay ko nalang ito. At Humiga ulit sa Sofa..

Inisip ko yung nangyari kanina sa kwarto ko.

Bakit masakit sa pakiramdam na boss niya lang ako?

Bakit masakit na sekretarya ko lang siya?

bakit?

hindi ko na namalayan na sa kakaisip ko ay nakatulog na ako...

Yoonji's POV

Nagising ako ng 8 ng gabi. Bumaba agad ako dahil naalala kong nandito pala ako sa kwarto ni Jimin

Naabutan ko sina Lola at Jacob na kumakain na ng dinner.

"Yoonji apo halika na't kumain na tayo."

Habang kumakain si Lola

"La, Si Jimin po ba nasaan?"

"Ah Nasa labas siya iha . Sabi niya busog pa daw siya"

Tumango nalang ako kay Lola at agad na lumabas ng bahay.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko...
Parang biglang Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kung bakit kami nagkahiwalay ni Minmin

Nakita ako ni Jimin kaya agad niyang naitulak si Dahyun.

"Yoonji magpapaliwanag ak----"

"Bakit ka naman magpapaliwanag Jimin? sekretarya mo lang ako diba? kaya no need explanation..."

Narinig ko siyang sinisigaw ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingunan pa .....

Nagpakalayo layo ako Hindi muna ako umuwi ng bahay dahil alam kong hahanapin ako ni Jimin sa kwarto ko kaya lumayo muna ako sa bahay...

Ngayon ko lang napansin na sobrang layo ko na pala sa Bahay Umupo muna ako sa may mahabang upuan ....

"Gabi na Miss. Bakit nasa labas kapa?"

Agad naman akong napalingon sa nagsalita

"Ahh nagpapahangin lang ako"

"Hmm.. Nga pala Pangalan ko ay Zuho"

"Ako nga pala si Yoonji. Nicemeeting you "

Nakipagkamayan ako sa kaniya. Sa una palang ang gaan na agad ng pakiramdam ko sa kaniya. Nagkwentuhan kami ng kung ano ano.

Falling In Love With Secretary MinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon