Hard To Believe

137 3 2
                                    

AKO si Samantha. I was diagnosed with stage 3 breast cancer recently. Before that, I was physically fit woman who has a full-time job, kumakain nang tama sa oras at masusustansyang pagkain, bukod doon ay nag-eehersisyo din ako regularly. Kaya naman I was shocked, mad, at sobra kong iniyakan when the doctor told me of the diagnosis.

Pakiramdam ko, unting-unti nang gumuguho ang mundo ko.

Now I goes to my chemotherapy treatments every 45 days. Halos masimot na ang savings ko para sa mga bayarin ng very expensive surgery, treatments, medicines and my doctor and oncologist fees.

Kung mahina lang siguro ang loob ko baka pinigilan ko na lang huminga para matapos na ang lahat nang paghihirap ko.

Pero naisip ko, hindi lang ako ang taong nagsa-suffer sa ganitong uri ng sakit.

Kailangan kong lumaban hindi lang para sa sarili ko, kundi para din sa mga nagmamahal sa akin. Especially sa pamilya ko.

Sabi nga nila, madali ang pumanaw pero mahirap ang mabuhay.

Pero para sa akin, madali lang naman ang mabuhay. Kumain ka, matulog ka, magtrabaho ka, at siyempre huwag mong kalimutang huminga.

Minsan nasa tao lang naman kung gusto niyang mabuhay sa mundo na miserable.

I was only nineteen years old. Hindi makatarungan na mamaalam na ako sa ganitong edad.

Marami pa akong hindi nararanasan. At higit sa lahat, I'm still a virgin.

Hindi ko iniisip na bilang na ang oras ko. Pero pag hindi maiwasan na bigla na lang sumasagi iyon sa isip ko, parang bigla na lang gusto kong manghatak ng kung sinong lalaki at sabihin sa kanyang, Please, make love to me.

Pero sa puntong pumapasok iyon sa isip ko, kung hindi ang magbabalot na kamukha ni Panchito o di kaya'y magtataho na kamukha naman ni Babalu ang mga lalaking nakikita ko, di bale nang mamatay nang walang kumakalikot sa pagkababae ko.

Kumakalikot talaga? What a word!

Haays. Sa ganito kong kalagayan ay nagtataka rin ako kung paano ko pang nakukuhang magbiro.

True, a cancer diagnosis turns a person's world upside down - emotionally, physically, financially.

Ang perang naipon ko sa pagtatrabaho noon ay halos nasimot na nga. Nagalaw ko na rin sa bangko ang kaunting halagang naipamana sa akin ng papa ko nitong huling chemo treatment ko.

Chemotherapy is expensive. One cycle may consist of 6 sessions, and each session can range from P10,000 to P100,000 or a total of P600,000 maximum.

Kaya ang mga taong walang pera na dinadapuan ng sakit na cancer, bago pa man sila kumapit sa milagro, inuukit na sa lapida ang pangalan nila sa paglalagakan nila sa sementeryo.

Naitanong ko na rin sa Diyos, bakit ako? Bakit hindi na lang 'yung kapitbahay naming pokpok - na kung makaliyad ng dibdib animo'y palaging may dala-dalang pakwan.

Pero sa pagbukas ng aking isipan sa pagtanggap sa sakit ko, mas naging mahigpit ang kapit ng pananampalataya ko sa Diyos.

Wala akong karapatang kuwestiyunin Siya.

At sa bawat umaga na kaya pang magmulat ng aking mga mata, ipinagpapasalamat ko 'yon nang buong puso sa Kanya.

Sa buhay, marami ang tinik na nakalatag sa daan na puwede nating maapakan. Sagad sa buto ang sakit kapag natinik ng malalim.

Hahayaan mo bang makatapak ka ng tinik kung kaya mo namang iwasan?

Pero paano mo magagawang umiwas kung sa bawat hakbang mo ay nakapiring naman ang mga mata mo.
Isang patunay na ang buhay ay walang kasiguruhan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hard To BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon