Chapter 1

0 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng pag eenroll sa bago kong school dahil nilipat nanaman si papa ng trabaho kaya eto lipat din ng paaralan at ayun nga biglang tumawag ang bestfriend ko.

"CHES LILIPAT KA NANAMAN?!"

yan agad ang bumungad sakin pag sagot ko sa tawag nya kaya medyo nilayo ko sa tenga yung phone.

"oo alam mo naman trabaho ni paa diba" pabuntong hininga kong sabi.

"wala pang 1month ka sa school na yun tapos lilipat ka nanaman sana lang magtagal ka na jan sa bago mo nanamang papasukan"

"I hope so. Nakakapagod din kasi ang ganito"

OO! Nakakapagod ang palipat lipat ng paaralan na papasukan every month, akalain mo yun ang dami ko ng uniform sa bagay tae.

"Osya sige ingat tawagan moko ok"

Napangiti na lamang ako dahil sa kanyang sinabi, gustong gusto talaga nitong tumatawag sya kasi akala nya pag di ko sya tinawagan or chinat sa messenger eh kinalimutan ko na daw sya haha thats Sam Mendoza, ang praning kong bestfriend.

"oo naman ayokong matadtad ng messages mo. Bye sam"

Binaba ko na ang tawag at pumasok sa principal office para kausapin ito tungkol sa pag lipat ko.

At wala pang 30 mins. ay nakalabas nako at pwede na akong pumasok bukas. Napabuga ako ng hangin sa sobrabg stress, si papa kasi lagi nalang ganitooooo, hindi naman pwedeng di akk sumama kasi wala akong kasama wala na kasi si mama maaga syang kinuha samen.

Habang naglalakad ako para libutin ang paaralan napansin kong nagsisilabasan na ang mga studyante sa kanilanag silid hmm baka recess time na nila napangiti ako kasi gutom na din ako.

"miss tabi"

Huh? Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang babae na matangkad at hanggang balikat nya lang ako, matangos ang ilong, maputi, mahaba ang buhok nya na kulay pula at naka rubber shoes sya habang suot nya ang uniform pft. Okay na sana maganda na sana sya kaso ang badoyyyy nya hahahahahahahaha.

"miss i said move"

"rude. wala man lang bang please?"

Tinitigan nya ako kaya medyo nailang ako at nag iwas ng tingin errr bat ba sya tumititig at bat ako nakakaramdam ng pag kailang eh babae naman sya aaaaaaa!!

"w-what? stop starring, its wierd"

Imbis na sagutin nya ako lumapit sya sakin at nilapit nya ang muka nya sa muka ko kaya namilog ang mata ko at di makapag salita.

"whats your name"

Ano daw? Pangalan ko? Malamang naman chesca napaka bopols mo naman.

"Lumayo ka nga" tinulak ko sya ng mahina para medyo lumayo yung muka nya sakin.

"Whats your name lady"

Bat ba gusto nyang malaman ang pangalan ko? Ipapa wanted nya ba ako? Ipapakulam dahil di ako tumabi sya dinadaanan nya? O baka ipapatukhang nya ako? 0_____0

"Walaakongpangalan" mabilis na sabi ko at biglang tumalikod at tumakbo.

Ng makarating ako sa labas ng gate napahawak ako sa dibdib ko habang hinihingal, takteng babae yun walang hiya ano bang problema nya.

"Ano bang problema ng babaeng yun!!! Malaki naman ang school baka di ko na sya makita ulit!"

Tumalikod na ako sa gate at umalis na para umuwi, papasok na ako bukas at kailangan ko pang mag handa. Napangiti ako siguro naman mag eenjoy ako dito. Napatingala ako at tumingin sa langit habang nakangiti.

"Ma, bantayan moko ha? Miss na kita"


A/N: AAAAAAAAAAAAA SANA NAMAN MAY NAGBABASA HUHUHUHUU

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LilyWhere stories live. Discover now