Nandito ako ngayon sa school. E, syempre, ano bang ginagawa sa school? E, ‘di nag-aaral! Ang boring kaya dito, mas mabuting i-imagine ko na lang si Hello Kitty, mayron kaya akong maraming Hello Kitty sa bahay.. ‘Di ba, ang cute, cute nya! Hihihi ^_^
"Miss Castres, are you with us?" Sabi nung professor ko, si MISS Angelica. MISS lang, hindi MISIS. Tsk. Siya kasi yung professor namin na MASUNGIT, na parang araw-araw may dalaw kasi wala pang boyfriend ‘yan! Syempre, bilang isang mabait at magalang na estudyante, sinagot ko sya. Aja~!
"Yes ma’am, I’m with you po." Sabi ng magandang si ako. E, sa talaga naman, ah. Nako, baka may sira na ang mata ni MISS Angelica, kaya napagkamalan n’ya akong wala dito.
Tapos, bigla akong tinaasan ni MISS Angelica ng kilay. Ehhhhhh? o.O
"Are you sure, Miss Castres? It looks like na wala ka sasarili mo, hmm?" Sabi niya, in karaniwang mataray na voice.
Eh? Bigla naman akong napatingin sa sarili ko. E, meron naman ako sa sarili ko, ah? Si MISS Angelica talaga! Kung ano-anong nai-imagine. Tsk, tsk! Masama na yan.
"MISS Angelica, ako, wala sa sarili?” Sabay turo ko sa magandang sarili ko.“Hindi naman ako nawawalasa sarili ko, e!" Sabay kamot ko sa ulo, F.Y.I., wala akong kuto. Si MISS Angelica talaga, e.
Biglang nagtawanan yung mga kaklase ko. Natutuwa talaga sila sakin, ano? Palagi silang tumatawa kapag kinakausap ako ni MISS Angelica.
"Are you sure? Then, if you’re with us, kindly answer my question, Miss Castres.” Sabay tapon ng mataray look sakin. Aba!"What is bile?" What……Is…..Bile…..?
Patay! Hindi ko alam! Huhuhu. ‘Di ba iyon yung pagnagpi-picture? 1…2…3, sBILE? Huh? Hindi ata e. Naku, juice colored!
"Uhmmm.. Bile is ball? Hehehehe!” Sagot kong pa-cute with matching peace sign.
Nagtawanan nanaman yung mga kaklase ko. Natutuwa nanamn sila sakin, oh! At nang pagtingin ko kay MISS Angelica, yung ilong nya, parang umuusok na! HUHUHUHU! Galit na! Patay na naman ako nito kila Mommy at Daddy.
Huhulaan ko next line ni MISS Angelica… “May napag-aaralan ka ba, ha?! Puro na lang―”
"Miss Castres….. MAY NAPAG-AARALAN KA BA, HA?! PURO NA LANG MGA PALAKOL ANG GRADE MO!" Oh, ‘di ba? Alam ko na yan, e. Huhuhu!
"Hindi naman palakol ang grade ko MISS Angelica, e. Line of seven po siya. Ganito po, oh…. S-E-V-E―"
"PLEASE, GET OUT OF THE ROOM. NOW!”
Hays, nako! Uso parin hanggang ngayon yang pagpapalabas ng estudyante sa klase na yan! Dapat maglagay sila ng Law na, “BAWAL PALABASIN SA KLASE SI LEIRA MAE CASTRES”. Dapat lang yan, kasi mabait akong estudyante *pouts*
Pero, wala akong magagawa kaya lumabas na lang ako. Lagot ako nito kay Mommy at Daddy, e. Pang ilan na ba ‘to? Di talaga ako para sa mga school, e. Makapunta na lang nga sa cafeteria. Ay, sorry! Nakalimutan ko pa lang ipakilala ang mabait na si ako. Don’t worry, ako naman yung pangalan na nasa itaas, pero, sige para bongga….*ehem* Ako si Leira Mae Castres, anak ng reyna at hari ng Joseon Era
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
He is a Mafia Boss
RandomAko yung babaeng... puro palakol yung grade. Nang dahil sa grade na 'yan, nilipat ako ng mga magulang ko sa isang unibersidad kung saan ang mga tao dito ay mga MATERZA.