Bestfriendzone 1

241 10 2
                                    

JESSICA'S POV

“Jessica!!Jessica!!” tawag sakin ni Gab. Bestfriend ko.

“Ano?Bakit?” tanong ko sakaniya.

“Jessica!Kaibigan ko na si Yuri!Jessica!Kaibigan ko na yung crush ko!” Sabi niya sakin na kini-kilig kilig pa. Para siyang bakla -_- Ok ang bitter ko.

Ngumiti ako at.. “Talaga?Masaya ako para sayo.Magiging magbestfriends na kayo.Tapos liligawan mo siya tapos--”

“Jessica!”

“Magiging kayo, tapos magpopropose ka. Ikakasal kayo--”

“Jess!”

“Tapos mag kakaanak kayo tapos tapos tapos kakalimutan mo na ako tapos--”

“JESSICA ANN PARK!”

“Waeyo?!” I said. (Bakit?!)

“Ang OA mo naman kasi Jess eh!Friends pa lang kami napunta sa kasalan. Tsaka NEVER kitang kakalimutan noh?” Sabi niya na pataas baba pa ang kilay. Ang gwapo niya talaga shet.

“Gab!Gutom na ako *pout*” Sabi ko. Hindi pa ako naglulunch.

“Sabay ka muna kay Alice. Sabay kami maglunch ni Yuri eh. Bye Jess” At iniwan niya ako dito sa AVR. -__-

Iniwan niya ako para sa Crush niya?!

Matext na nga lang si Alice.

To: Alice babes.

Babes!Sabay tayo lunch :)).Iniwan ako ni Gab eh. I'll wait you sa cafeteria. ;) xoxo.

Sent: 11:34am

Pumunta na ako ng Cafeteria at pumwesto malapit sa bintana. Kita mo dito ang green field. Nakakarelax.

Ayy btw, Ako nga pala si Jessica Ann Park. Half Filipino Half Korean. Dahil ang mommy ko ay Filipino and ang Dad ko ay Korean. 19 years old na ako and 3rd year college dito sa ****** University na pagmamay-ari namin.

Hindi sa pagmamayabang pero magyayabang na, Mayaman kami. We have hotels,condos,malls,schools,and restaurants.

I have 3 brothers. 2 kuyas and 1 younger brother. And yes, One of the boys ako. Nagiisa akong anak na babae ni Jessica Park at Anthony Park.

“Babes!” Sigaw ng isang familiar na boses ng babae.

“Aliceeeeeeee” Sigaw ko.

Owkaaay?Nagsigawan pala kami sa Cafeteria. -___- Namiss ko siya eh *pout* 3 days siyang absent dahil may training siya sa Cebu. Kasi hinahanda na siya sa business ng daddy niya.

Nag peace sign ako sakanila at lumapit sakin si Alice.

“Diba dapat babes si Gab ang kasama mo?Ang alam ko may problema kayo pag ganitong ako ang inaaya mo ko.” Sabi niya sakin na parang forever na niya akong kilala.

“Yung crush niya kasi si Yuri, Friend na daw niya at babes, kitang kita mo sa mata ni Gab na gustong gusto niya si Yuri. Na ang saya saya niya.” Pagdadrama ko. Ilang years ko na bang Bestfriend si Gab?Ilang years ko na rin ba siyang minamahal ng patago? Ang tagal na. Ang tagal tagal na.

“Eh?Sabi mo sakin dati, 'Babes,Ok lang kahit magkagusto siya sa iba basta masaya Siya. Kahit masakit' diba?Ngayon, magddrama ka?” Sabi niya at ginagaya pa yung boses ko.

Oo na ako na tanga pero, diba? Kung mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat sumaya lang siya?Kahit masakit?

“Oo na babes!Oo na!HAHAYAAN ko na siya kasi dun siya masaya. TITIGILAN ko na siya” Sabay head's down ko. Badtrippp!

Bestfriendzone [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon