Basic

30 5 1
                                    

-----------


Nakapila ang mga mag-aaral na nakapasa sa first stage ng exam. Mayroon kasing 3 stages iyon, ito ay tinatawag na Uno, Dos, Tres.


Ang Stage Uno ay academic exam, papasagutan kayo ng mga tanong na may kinalaman sa aming mundo na Vanish World, at ang mga Vanish powers na tinataglay ng mga Vanish people pati na rin ang mga inaaral sa mundo ng mga mortal katulad na lang ng Mathematics at Science.

'Basic.'


Stage Dos naman ay iba-background check kami at i-interview ng mga basic na impormasiyon. Sabi nila, Dos daw ang pinakamadali kung may binatbat ka at ang kapangyarihan mo pero kung wala... pagsisihan mo ang pagsubok na makapasok sa paaralan na ito.


'Ba't ako matatakot ? '

Ang Tres naman ay ang sinasabi nilang susubok sa kapangyarihan mo. Dito rin daw makikita ng mga Vanish students at mga guro ang kakayahan mong makipaglaban at dito mo rin maaaring patunayan kung ano ang posisyon mo sa iyong magiging grupo at kaya mo bang protektahan ito. 

'Basic rin.'


"Excuse me nga! Bakit ba kasi nakaharang sa daan e?!"

Napalingon ako sa bastos na babae. Ang babaeng Niles pala. Katabi niya ang kanyang lalaking kapatid na ngayon ay ngumunguya ng bubble gum. Ang alam ko ay anak sila ng isang professor pero hindi ko alam ang pangalan nila pati na rin ang kanilang Vanish powers.


Tinitigan ko lang siya ng walang ka-emosyon emosyon ang mukha, hindi rin ako umalis sa pinagkakatayuan ko.


"Wag mo na siyang pansinin, Rain. Maglakad ka na lang. Hindi mo kaya ang isang yan." Sabat ng kanyang kapatid


'So, Ulan pala ang pangalan ng isang ito'


"Bakit ako ang kailangang mag-adjust?! Hindi porket anak siya ng kilalang mga tao ay magpapaapi ako!"

'Why do you need to füčking shout?  Nakakarindi!'


"Walang umaapi sayo. Manahimik ka na lang at maglakad. Masyado ng marami ang sinasayang mong oras." Galit pero kalmadong sabi ni... Ulan's brother


"Hindi, Blaze e. Talagang nananandiya sya---"


Tinaas ko ang isang kong daliri.

"Shut. Your. Mouth. Madaming daan diyan na pwede mong lakaran. Wag mo akong bastusin." Galit na sabi ko pero wala pa rin akong ipinapakitang emosyon.

Masama ang kanyang tingin habang humahakbang palayo.


"Pasiyensiya ka na sa kapatid ko. Pinaglihi lang talaga sa sama ng loob 'yun. I'm Blaze Thunder Niles and that is my sister, Rain Tornado Niles." Sambit niya habang nakangiti.

UnattachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon