Sana Totoo Ka Na Lang

114 5 2
                                    

"Dear John,

   Hi, sana mapansin mo ako.

                From your,

                 Secret Admirer. "

Hay nako! Nagsimula na naman ang message dedication na yan. Intrams kasi namin ngayon at ako ay committee ng sepak pero dahil tapos na ang laro ng sepak, andito ako ngayon sa stage at tumatambay. Wala naman akong gagawin sa bahay namin eh, kaya dito na lang ako.

At nagpatuloy ang message dedication. . .

"Makapunta na nga lang sa room. Janelle tara.."

"Gege."

Agad naman kaming nakarating sa room namin dahil malapit lang naman sa stage ito. Pagdating sa room may ilan akong kaklaseng nagkakantahan, ang iba ay nagtatawanan at ang iba pa ay naglilinis.

"Oy Shaylie, palakasan tayong umirit." Sabi ni Larry sakin. Ang kaklase kong bakla.

"Sige."

"Hoy, kayo ang judge namin, sabihin nyo kung sino ang pinakamagaling."  Sabi ni Larry sa iba pa naming kaklase at sumang ayon naman ang mga ito.

"Oh game Shaylie.

Round 1- Ahhhhhhhrrrrrrrgggghhh!!

Round 2- Aaaaaahhhhhhhhrrrrgggghhhh!!

Oh, ikaw naman." Sabi sakin ni lester.

"Ayoko na pala. Baka matalo ka."

"Yah! Hahahaha"  Pangluluko ni Marla, isa ko pang kaklaseng bakla kay Larry.

"Dali na." Sabi ni Larry sakin.

"Oh sige. Game.

Aaa---"

"Dear Shaylie,

 

   Hi baby! I love you.

               From,

               Jacob Antonio Buenaventura

"Yown! Sino naman yun Shaylie?" Tanong sakin ng mga kaklase ko.

"Oww! Wala yun."

Siguro yung mga kaibigan ko lang yun na malalakas ang trip. Alam nila na patay na patay ako kay Jacob ng "Baka Sakali" ni Jonaxx.

"Uyy! Shaylie, sino to ha?"

Hala! Teacher namin yun. At nakamike pa. Broadcast na brodcast eh. My gosh! Napalabas naman ako sa room at tumakbo papuntang stage.

"Ma'am wala po yan. Trip lang po yan."

"Asus. Sino nga yun? Boyfriend mo?"

"Wala nga po yan Ma'am. Promise. Trip lang po yan."

"Sus. Maniwala ako sayo. Alvin, ipage mo nga yung Jacob."

Sabi ni Ma'am kay Alvin. Si Alvin kasi yung nagbabasa nang mga messgae eh.

"Alin po Ma'am? Yung kay Shaylie po?"

"Oo. Yun nga."

Nagsalita na si Alvin sa mike.

"Paging Jacob Antonio Buenaventura. Hanap ka po dito sa stage."

Inulit pa yun ni Alvin ng dalawang beses. Mga ilang minuto pa amg lumipas pero walang Jacob na dumadating.

"Sabi ko naman sa inyo Ma'am trip lang un eh."

"Alvin ulitin mo nga."

"Sige po Ma'am. Calling the attention of Mr. Jacob Antonio Buenaventura. Kanina ka pa pong hinahanap dito sa stage."

"Ma'am naman. Hindi nga po yun totoo."

"At bakit naman hindi."

"Eh kasi Ma'am. . . . .

Fictional Character lang naman po sya. . ."

At sana totoo na lang sya. . Dugtong ko sa isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana Totoo Ka Na Lang (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon