Chapter 1

50 1 0
                                    

MARAMI nang pagbabagong nakikita sa sarili Jane. Sa paglipas ng panahon ay talagang nahahayag ang kanyang pagiging ganap na dalaga.

Gaya na lamang ngayon, habang nakatayo siya sa harap ng salamin ng antigong tokador na nasa kanyang kuwarto, napagmasdan niyang higit na gumaganda ang hubog ng kanyang katawan. Na hindi nakikita ng iba dahil nga sa mga mahahaba at maluluwang na damit na kanyang isinusuot.

. Higit pang gumaganda ang kanyang mukha, naisaloob niya.

. . At hindi naman sa pamumuri sa sarili ay masasabi niyang kabigha- bighani talaga. Lalo na nga kung pakatitigan. Wlang duda, namana talaga niya ang kagandahan ng kanyang inang si senyora jenny, na isang mestisa.

Subalit nagtaka sya kung bakit wla pang lalaking naniningalang- pugad sa kanya. Ni minsan ay wla pang umakyat ng lgaw sa kanilang tahanan upang ipahayag ang damdamin sa kanya.

"hindi kaya dahil sa isa akong Rodrigues?" pabuntong - hininga nya sabi habang titig na titig sa sariling repleksyon. Tila ba'y ito ang kanyang kinakausap ng sandaling iyon. " hindi kaya nangingimi ang mga lalaki dahil kilala ang aming angkan? At batid nila na ang mga magulang ko ay napakahigpit at strict?"

unti-unting bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha.

Higit pa kasing sumiksik sa utak niya ang mga gaanoong isipin. Na ibig na talaga niyang paniwalaan kaya nangyayari ganito sa kanyang buhay.

Aminado siya, malungkot ang kanyang buhay bilang babae. Kasi ngay hindi pa niya nararanasan kung paano suyuin ang isang anak ni adan. At iyon ay totoong malaking kakulangan bilang babae.

"pero anong gagawin ko..?" naitanong pa niya sa sarili.

Napailing siya.

Wala naman siyang magagawa. Hindi naman siya pwedng gumawa ng hakbang para pansinin siya ng boys at lgawan.

" sana, manligaw na sa akin," dalangin pa niya.

A song for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon