TWO

1.4K 76 2
                                        

——— ≪ °✾° ≫ ———

PAUNTI-UNTI ANG pag-inom ko ng tubig. Patapos na kaming kumain at kasalukuyang binabasa ni Zef ang bill.

Kaliwa't kanan ang tingin, "Magkano ba?" Nakakapit ako sa pitaka. Isa o dalawang daan? Magkano ba ang dala ko?

"My treat." He handed a few bills to the server. Tatlong libo ba? Apat?  "No biggie."

No biggie. Pero isang buwan ko ng baon 'yon. Ito din ang dahilan kung bakit hindi ko kayang kumain sa loob ng university.

"Salamat," with a sigh of relief and shameful gratitude. Tayo na tumatanggap, kahit libre, nakakahiya pa rin. Hindi natin kayang tanggihan at hindi rin kayang akuin.

"Get used to it, Dora."

"Alin?"

"Nailibre." as he sipped from a glass of water.

Nakalimutan ko. "Model ka na nga pala."

Kamuntik n'yang maibuga ang tubig. The sound of him laughing played music to my ears.

"Nooo, pleeeaase."

Pero kinuha ko ang natirang fries. "You want some?" an attempt to mimic his ad.

Napatabon s'ya sa mukha, pulang-pula.

"Sorry," but I was not. Adorable was an understatement.

"You're playing too much, Ada."

My name sounded foreign. Like a scene from a fairytale when a prince tried to say a commoner's name; parang nagtunog may class. Bagama't may kakaibang kinang ang pilyo nyang tingin.

"Pero may nabasa ako from Page 233."

Nanlamig ako nang sabihin nya yun. Hindi random ang pagbanggit nya tungkol dun. It had a reference rooted to where it all started and ended. Sa isang libro — sa pahina dalawang daan at tatlumpu't tatlo.

The thought of this happening had crossed my mind but to figure out how to approach this confrontation... this inevitable fall, my reasoning failed me.

Iniwan ako ng mga salita dahil natatakot akong harapin ang katotohanan. Pero natatandaan ko, ang mga salitang isinulat sa pahinanh 'yon.

I'm sorry you've been through a lot
because I was scared. I'm still scared.

But I'm ready to be scared with you.

P'wede ka bang mahalin, Zef Harril?

Lumabas na tayo sa libro. Handa na 'ko.

That almost sounded like a different person. Pero ako 'yon, gaano man nagbago ang isip o ang pakiramdam. Ngayon ko masasabi na iba ang sulat at text sa harapang conversation. Kailangan real time, kailangan mong mag-isip nang sasabihin, kailangan mong makinig dahil kailangan tama ang isasagot mo.

Pero ang kailangan ko ay pumreno.

I only had this one prose — a message of half-baked courage and unrealistic expectations. Kaya ngayon nakakahiya, urong-sulong ako dahil takot pa rin ako. Pero sigurado ako sa naramdaman, hindi ko lang alam kung kaya itong masuklian.

Inabot ko ang tubig at napainom.
"Ano nga 'yon?"

He's a bit taken aback. Something in his eyes refracted, worry, hurt, masked quickly by his generous smile.

"Uh, wait, have I told you na palaging nanood ang kapatid ko ng Dora?"

He already did. Ang nagawa ko lang ay tumango, ngumiti. This was my fault. If I couldn't bridge this gap and take up the courage to face, head on, the difficult conversation, we could lose this chance forever.

Outside the PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon