I

27 0 0
                                    

Era's POV



"Mommy, talaga po? Pupunta tayong Disneyland next month? Yehey!" 


Napalingon ako sa batang masayang kumakain sa kabilang table at may kasamang babaeng mga nasa 30's na satingin ko ay nanay niya. 


"Yes baby! Kaya ikaw, maging goodgirl ka ha. Para pagbalik ni mommy, ready na tayong pumunta. Okay ba yun?" nakangiting sagot ng mommy sa bata. 


"Yes naman po!" masayang sagot ng bata na may pagkatamis tamis na ngiti sa mukha.


Saglit kaming nagkatinginan ng bata kayat napasinghap ako. "Hi ate! You're so pretty." Agad kong binawi ang tingin ko sa bata at itinuon nalang sa mesa ang tingin.



"Mommy, look oh.—"



Mabilis kong ininom ang kape at agad na lumabas sa fastfood chain at nagtungo sa bus stop. Napaupo ako sa waiting shed, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ito ang ayoko eh... ang makita ang oras ng kamatayan ng iba. 


Yung bata kanina, mamatay siya bukas ng hapon.


Napangiwi ako at pilit pinakalma ang sarili. Nakikita ko ang kamatayan ng iba, pero ako mismo di ko alam kung kailan ako mawawala. Napapikit akong muli. Nakikita ko ang kamatayan nila, at wala akong magawa upang pigilan ito. Hindi ko matakasan...


Itong abilidad ko, napakabigat.



Kung hindi lang nangyari 'yon... kung hindi lang



"Brokelyn! Brokelyn! Oh mga Brokelyn dyan oh" napadilat ako. Agad akong tumayo at sumakay ng bus.



"Hampshire University, baba na" sabi ng konduktor kaya bumaba na ako.



Pagkapasok ko palang, nakarinig na ako ng mga bulungan. Isinuot ko nalang ang earplugs ko at pumikit habang naglalakad, ayokong makita ang mga kamatayan nila kasi baka mamaya bigla akong magcelebrate, masama man pero yun yung totoo.



Napangisi ako ng mapait sa isip ko. Nakakatawa lang isipin na itong mga taong nagbubulungan tungkol sa akin ngayon ay yung mga taong dating dikit ng dikit sa akin at gustong gusto ako kaibiganin. Mga plastik.



Ganito nalang palagi ang araw ko, paulit ulit nalang. Pagdating ko magbubulungan sila, pare parehong mga bagay. Di makamove on, kumbaga.



Kahit nakapikit, kabisadong kabisado ko na ang daan papuntang room ko, simula sa simula, ito na rin naman ang paaralan ko. Weird man pero kaya ko, isa pa, wala namang mangangahas na lumapit sa akin o madikit lang sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon