Part 1. CHILDHOOD
Who would have thought na yung taong mahal na mahal ko ngayon ay nakilala ko na pala since I started schooldays, when I was 5 years old.
We were living at the same place and same street pa pala ... Classmate ko siya since Day Care to Grade 6 and seatmate ko pa pala siya nun, sure ako (kahit itinatanggi niya!). Pero we're not that close kaya wala naman ako naremember na any good/bad memories with him. Sa madaling salita magkakilala lang talaga kame!
After Elementary graduation, wala naman na'ko balita sa kanya, wala din naman kaming communication at hindi ko na din siya nakikita and besides wala din naman akong pakialam sa kanya noon.
Part 2. FRIENZONED
December 2011. --- Nakita ko ulit siya, madami ng nagbago ... madalas ko na siyang makasabay sa jeep at makasalubong sa daan, kasi nga nakatira lang naman kami sa isang baranggay. Until one time, namatay yung lola ko na nanay ni lolo tapos andun siya sa bahay kasama ng mga pinsan ko na barkada niya. Sa totoo lang, siya naman yung kumuha ng phone number ko sa pinsan ko ... kaya kami nagkaroon ng communication at nagkateks.
Before naman wala lang siya sa akin pero when I got to know him, medyo naging parang close kami .... dun na 'ko naging interested sa kanya.
January 2012. --- Nagsimula ang lahat. Dahil na din siguro we both belong to the same group sa lugar namin *sabihin na nating wala sigurong Parang-Kame, kung wala sila! At dahil halos gabi-gabi kaming magkakasama sa pakasam, puyatan at inuman, madalas na yung communication namin at palagi na din kaming magkateks at magkausap. At siguro dahil na din dun, nadevelop na kame. Masaya ako kapag kausap ko siya, nakakalimutan ko yung dapat ko na naman na talagang kalimutan sa nakaraan, lalo na kapag nakakasama ko siya at ramdam ko naman siya din. Alam ko naman kasi na wala siyang GF "acc. to him" kaya okay lang!
February ...
March ...
Alam mo yung feeling na Parang-Kame, pero unofficial? Hindi ko na din maalala kung bakit pero pareho naman kaming masaya sa mga nangyayari . . . . . . . .
April 2012. --- Birthday ko!:) Kasama ng grupong aming kinabibilangan, nakasama ko siya nung birthday ko. Siya daw yung gift nila sa akin. At siya na din siguro ang pinaka-da best na gift! With matching fireworks pa that time nung sinalubong namin yung birthday ko kasi Easter Sunday sumakto yun. Masaya lang! Simple pero bongga yung feeling. <3
Ang sarap lang kasi sa pakiramdam at sa puso na may taong magpapakita sa'yo ng mga ganung bagay na kahit na hindi naman pala talaga officially kayo! In my entire life, since I was only 19 at that time ... "teenager pa, so may crush-crush pa, tapos kilig-kilig, mahal-mahalan, at the end inlove na! " i've been thru relationships ... siguro nga bata pa kaya wala sa isip yung seryoso pero when it comes to him alam mo yung feeling na siya na ata talaga, Feeling ko siya na! <3
May ...
June ...
July ...
August ...
September ...
October ...
November 2012. Birthday naman niya! :) I tried my best para makauwi that time from work to be there on his birthday and I made it. Kahit gabi na nagpunta ko sa kanila with my friends and cousins para ibigay yung cake niya ... Masaya pa naman kame, until ..........................................