Pov
Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa mababang paaralan ng San Eldifonso na may kalayuan din mula sa aming tinitirhan. Araw-araw ko itong ginagawa dahil mahirap lang din kami at magsasaka lamang sa maliit na bukirin ang tatay. Halos tatlong kilometro rin ito sa tansya ko. Kahit ganun kalayo yung binabagtas ko araw-araw ay hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto kong makapagtapos ng pag-aaral kahit mahirap ay kakayanin ko.
Nasa ikalawang taon na ako sa sekondarya. Kung sakaling makapagtapos man ako ng sekondarya ay balak kong kunin ang Obra Civil. Gusto kong maging Enhinyero balang araw. Makapagpatayo ng bahay para sa amin ni itay at inay at hindi maghirap at salat yung pamumuhay, hindi naman sa hindi ako masaya sa buhay ko ngayon pero minsan talaga mahirap yung buhay sa amin, nakakain lang kami ng tatlong beses kung nakaka ani ang itay. Kaya bawat araw ay dalawang beses lang kaming nakakakain.
Pagkadating ko sa silid-aralan ay wala pang mga tao doon. Nilagay ko sa ilalim ng upuan ang bag ko at napahikab. Masyado pang maaga at nasa 6:01 nakatapat ang orasang nakadikit sa dingding sa ibabaw ng blackboard. Hindi ko naiwasang maka idlip.
Naalimpungatan ako sa mga tawang naririnig sa aking paligid at sapalagay ko ay ako ang dahilan ng tawanang iyon. Pinagtitripan na naman ako ng gagong bully na ito. Isa ito sa dahilan kumbakit gusto kong huminto nalang sa pag aaral at tumulong nalang kay itay sa pagsasaka. Pero minabuti kong iwaksi nalang ito sa aking isipan, dahil kong gagawin ko iyon ay ako lang ang magiging kawawa at higit sa lahat magiging talunan. Hindi man niya ako sinasaktan sa pisikal na paraan pero kasing sakit rin iyong emosyonal sa pisikal na pananakit.
Siya si Art Nigel T. Eldifonso, anak ng mayor namin dito. Maamo yung mukha niya pero kabaliktaran naman iyon sa kanyang pag-uugali. Masasabi kong biniyayaan siya ng Pisikal na katangian. Gwapo pero barumbado. Pero hindi ko alam kumbakit marami pa rin yung nagkakagusto sa kanya kahit na ganun yung ugali niya. Dahil ba sa Pisikal nyang katangian kaya ganun?
Bakla. Ito 'yong palagi niyang tinutukso sa akin. Hindi naman ako nasasaktan pag sinasabi niya iyon sa akin, yung masakit ay hinusgahan ka na kaagad ng mga taong hindi mo naman kakilala. Oo bakla ako pero hindi naman ako lantad. Sa bawat araw na sinasabi niya 'yun sa akin ay halos araw-araw ko rin siyang gustong sapakin pero di ko magawa. Dahil lang sa isang pangyayari ay nahusgahan na agad yung pagkatao ko.
Nangyari kasi 'yon ng minsang umihi ako sa palikuran dito sa skwelahan. Habang umiihi ako sa urinal ay siya namang bigla niyang pagdating at agad na nilabas yung ahas niya kaya nagulat ako at napasulyap sa puwesto niya. Huli na nung mapagtanto ko yung ginawa kong katangahan ng uminit yung mukha ko at nakatitig siya sa akin ng masama.
Bakla. At kaagad siyang umalis ng sabihin niya 'yun sa akin.
"Pre tama na yan. Kita mong tulog pa yung tao eh, respeto naman!" Boses palang alam ko na kaagad kung sino siya.
Si Lee Roy B. Stihl, ang nagiisa kong kaibigan mula pa elementarya. Anak ng banyaga kaya may maipagmamalaki din sa pisikal na batayan.
"Puta bakit kaba nakikialam pre? Anong pinakain sa iyo ng baklang 'to? o baka naman siya yung pinakain mo?" at napuno na naman ng halakhak ng pangungutya ang buong silid.
Minabuti kong imulat nalang ang aking mga mata at kita kong nakakuyos na ang kamao ng kaibigan ko habang yung isa ay panay halakhak. Wala rin namang maidudulot na mabuti kung dadagdagan pa ng bulak yung ningas.
"Upo ka nalang d'on Lee huwag mo nalang patulan yung kagaguhan ni Nigel, upo ka nalang please. " ang sabi ko sa kanya sabay ngiti na nagsasabing okay lang ako at hindi ako nasasaktan na kaagad naman niyang sinunod. Napa tsk nalng siya.
Nasabi ko na ba sa inyo na ayaw na ayaw ng lalaking nakakunot ang noo na nasa harap ko ngayon ng tawagin ko siya sa pangalawa niyang pangalan, pwes ngayon nasabi ko na.
"Sa susunod na tawagin mo ulit ako sa pangalan ko ay kamao na dadapo sa'yo. Bakla. "
Nakakunot ang noo ng gagong si Nigel pagkatapos umalis papunta sa silya niya. Gago talaga! Tinatawag niya nga ako sa hindi ko pangalan pero hindi ako nagagalit tapos pag tinawag naman siya sa kanyang pangalan siya naman niyang kinagalit? Gago talaga! Nanahimik nalang ako at saktong dumating si Mrs. Marse, English Teacher namin. Matapos niyang mag discuss ay kaagad naman siyang nagbigay ng maikling pagsusulit sa amin. Masaya naman ako sa nakuha kong marka, 8/10 hindi masyadong masama. Pagkapos nang Asignaturang Ingles ay sumunod naman ang Matematika at Araling Panlipunan hanggang dumating ang tanghali at break na namin.
Inaakyat ko ang Hagdanan papunta sa pinakataas nitong building, meron kasi itong rooftop hindi naman kataasan ang building na ito hanggang sa apat na palapag lang. Dito kasi sa taas ay malaya kong nakakain ang dala kong baon na nakabalot pa sa pinainitang dahon nang saging. Hindi ko naman kasi afford iyong mga nakadisplay sa canteen ng eskwelahan namin.
Kaagad kong binuksan ang dalang baon na kanina pa nange-enganyo sa ilong ko dahil sa amoy ng pininitang dahon nang saging. Hindi na ako nagulat sa laman niyon, kanin tiyaka bagoong(malilit na isda na may kasamang sabaw). Kakainin ko na sana ang pagkain sa kamay ko ng may narinig akong sigaw.
"Shit, anong amoy 'yun?"
Kinabahan ako sa boses palang na nanggaling sa kabilang dingding ay kaagad ko na itong nahulaan kung sino. May maliit kasi na room sa taas nitong gusali. Kung bakit naman kasi nandito ang Gagong ito.
"Kaya naman pala malansa, nandito ka palang bakla ka. Tiyaka ano yang hawak mo? ambaho! itapon mo yan!" turan niya matapos buksan ang pinto.
"Matigas ka talaga?!"
Pwersahan niyang kinuha sa mga kamay ko ang dala kong baon at nagtagumpay naman siya sa pakikipagbuno sa akin. Kaagad niyang tinapon sa baba ang baon ko. Hindi ko mapigilang maiyak ng dahil sa nangyari, sukdulan na ang kasamaan niya. Hindi nalang ako umimik, gusto ko siyang suntukin pero di ko magawa.
"Sa susunod 'wag ka na'ng pumunta dito. Pwesto ko'to kaya walang sinuman ang pwede pang umakyat dito! Naiintindihan mo?!"
Naninikip na ang dibdib ko, parang gusto na nitong sumabog dahil sa galit pero pinili ko nalang magtimpi. Hindi ko napigilang suntukin ang sarili kong mukha, ganito ako ayaw kong manakit ng ibang tao kaya sarili ko nalang ang sinasaktan ko. Ewan ko kung bakit nagagawa ko ito. Siguro dahil na rin sa pangangaral ni itay, na kahit masakit na kailangan naming magtimpi hindi dahil hindi namin kayang lumaban kundi dahil mas lalong lalaki ang problema kung pipilitin mong lumaban sa taong ayaw tumanggap ng pagkakamali niya.
Masakit. Makirot. Pero dahil sa suntok na iyon ay naputol ang luhang nilalabas ng mga mata ko. Nang tignan ko siya ay parang natuod siya sa kinatatayuan niya. Nagulat siguro siya sa nasaksihan niya. Kaagad na akong tumayo at pumanaog sa hagdanan. Itutulog ko nalang ito, tutal sanay naman na ang katawan ko sa kawalan ng pagkain minsan.
NAGDAAN ang mga taon at ngayon ay nasa Huling taon na ako sa Sekondarya.
Maraming nagbago sa bawat taon na lumipas, yung nagiisang kaibigan ko na hindi naman pala ako itinuring na kaibigan ni minsan. Pakitang tao lang pala yung pakikipagkaibigan niya sa akin. Akala ko rin talaga totoo yun.Nagpapasalamat rin ako kasi mula noong huling beses niya akong sinaktan ay ni minsan hindi na naulit. Hindi ko alam kung anong iniisip niya noong nakita niya yung itsura ko nang araw na iyo. Awa. Baka.
BINABASA MO ANG
Bitter Taste
Teen Fiction"Hindi tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip. Dinggin ang hiling ng matang nakapikit" Ito ang palaging sinasabi ni itay sa tuwing nakatanaw kaming dalawa sa malawak na kalangitan. "tumingin ka lang sa langit anak kung gusto mong humiling at sab...