Chapter 1

30 2 0
                                    

Chapter 1

Simula

Luna's POV

Lakad takbo, sipa dito sipa doon, iwas dito, tira doon at dito at alerto palagi. Kanina pa ako pabalik balik ng ganoon. Kasalukuyan kasi akong nag tratraining ngayon sa aming palasyo. Sa training room namin. Kasama ko ang tita ko dahil siya ang nag sasanay saakin.

Nag palabas ako ng fire ball sa kanang kamay ko at tinira sa papalapit ng ice spikes sa akin. Nagkaroon ng kaunting pag sabog ang naganap. Napa ubo ako dahil sa usok na sanhi nito. Ngunit naramdaman kong may papalapit na namang mga ice spikes sa akin kaya gumawa ako ng barrier na gawa sa hangin. Nawala na din ang usok na gawa ng pag atake.

Sa kabilang dako naman ay naroon si tita na nangingiti pa habang nakatayo at naka pamaywang. Nag laho siya at nasa harapan ko na at malakas akong sinipa sa tiyan. Tumilapon naman ako sa isang banda. Hingal na hingal na ako at may galos na din sa braso, ang sakit na din ng katawan ko. Bwesit! Bakit ba kasi si tita Cella pa ang nag train sakin ngayon ehh!.

Palihim kong ginamit ang earth power ko at gumawa ng ugat at ipinulupot sa paa niya ng hindi niya namamalayan.

Tumakbo ako patungo sa kanya at nag palabas ng water ball sa aking kamay. Napangisi naman ako ng pinipilit niyang makawala sa vines na hanggang baywang na niya. Pinakawalan ko na ang water ball na nasa aking kamay at sinangga naman niya iyon.

Pagtingin ko doon wala na si tita. Bago pa ako makahakbang ay naramdaman kong may espadang gawa sa yelo ang nakatutuk sa aking leeg.

"Game over Luna! Nanalo ako sayo" masayang sabi ni tita at binaba ang espada.

"Hayss...sa wakas natapos din"sabi ko sa pagod na tono.

Napahiga nalang ako at hinihingal. Pawis na pawis na din ako. Aish ano bayan! ang sakit ng katawan ko!

"Hahaha Luna kahit ang dami mong kapangyarihan hindi mo pa ako natalo ano ba yan!" Tita.

"Tss... Training lang naman to ehh hindi naman totohanan"-ako

"Tsaka ang ganda ng buhok mo tita ah, sabog na sabog hahaha" dagdag ko pa.

"Tseh! Parang sayo hindi!"-tita.

Kruu~ Kruu~

"Hahaha" natawa nalang kami parehas ng tumonog ang aming tiyan.

"Luna kain muna tayo gutom na ako"-tita

"Mas lalo naman ako"-ako

Nag teleport nalang kami patungo sa hapag kainan. Nakakatamad mag lakad tsaka isa pa nagugutom na ako.

Pag punta namin don ay may nakahelirang mga katulong doon at nakayuko saamin. As always, ano pa nga bang bago.

"Lady Cella, prinsesa Luna narito na po pala kayo, ipaghahanda ko po kayo ng makakain." Sabi ng mayordoma ng palasyo at umalis. Umupo na kami ni tita sa silya sa hapag kainan. Maya maya ay dumating na din ang mga pagkain dala ng ibang maids. At nilagyan na din ng kubyertos ang lamesa.

Nagdasal muna kami ni tita bago kumuha ng pag kain. Kumuha agad ako ng aking paboritong ulam at ng kanin. Habang kumakain kami ay may biglang sumulpot na dalawang babae sa gilid namin.

"Ano ba naman kayong dalawa ha?! Kung saan saan kayo sumusulpot!"-ako. Kumuha ako ng tubig at uminom, muntik pa akong mabulunan eh.

"Hehe peace yow!"sabay na sabi ng dalawa.

"Oh kayo pala yan Lea at Glow"-tita

"Tita Cella kayo pala yan!"sabi ni Lea.

"Luna pwede bang maki kain? Hehe gutom pa kasi ako ehh. Ang hirap ng training."-Glow

"Oo nga naman Luna"-Lea

"Tss whatever"nasabi ko nalang sabay irap.

"Narito na po prinsesa Lea at Prinsesa Glow" sabi ng katulong sabay kapag ng mga kubyertos nila sabay yuko nito at umalis. Kumain nlang kaming apat ni tita.

~

Narito ako ngayon sa kwarto ko at nag hahanda ng maisosout pantulog. May biglang kumatok sa pinto.

"Pasok!"sigaw ko.

"Mahal na prinsesa, handa napo ang iyong paliguan"-katulong

"Sige susunod ako, saglit lang"

Naka bathrobe lang ako ngayon. Pumunta na ako sa paliguan ko. Nag half bath ako pag katapos ay nag sout ng damit pantulog. Pumunta na ako sa aking higaan para matulog.

~

Napabalikwas ako ng bangon ng may naramdaman na kiliti sa paa. Nakita ko si Lea sa paanan ko at nakahawak naman si Glow ng isang balhibo ng ibon ata. Yun siguro ang ginamit.

Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi man lang natinag, abat tong bruhang to eh. Kainis naman oh!

"Oh Luna maligo at mag bihis kana, pupunta pa tayo sa big market para makabili ng gamit sa school." Lea. Napatingin ako sa orasan na nandito sa kwarto ko. Mas lalo akong nainis dahil 4:30 palang ng umaga. Aish kahit kailan talaga!

"Aish mga bwesit kayo! Ang aga aga nangbubulabog kayo! Problema niyo?!"-ako. Tinira ko silang dalawa ng tig isang fire ball gamit ang isa kong kamay.

"Woah Luna teka lang naman oh!"

"Yahh!! Ano ba?!"

Sabay na sabi nila. Si Glow ay gumawa ng shield gamit ang yelo at si Lea gamit ang earth power nito.

"Tsh! Kainis kasi kayo ehh!"sabi ko at pinalutang silang dalawa gamit ang air magic ko.

"Wahh Luna naman ehh!" Tili ni Lea.

"Wahh Luna sorry na! Please ibaba mo na kami"- Glow.

Lalo ko pang pinataas sila gamit ang kanang kamay ko. Natawa nalang ako sa reaction nila. Pfft.

"Haha sorry din sa gagawin ko ah"ngising sabi ko.

"Wag mong sabi--kyaaaaahhhhhhh!!" Sigaw nilang dalawa. Pano ba naman eh gamit ang air power ko ay tinapon ko sila sa bukas pala na pintuan sa labas. Sinarado ko din ito gamit ang kapangyarihan ko. Dinig ko ang daing nila. Hahaha bahala sila diyan.

Pumunta na ako sa paliguan para maligo. Pagkatapos ko ay nag ayos na ako sa aking sarili at nag teleport patungo sa dining room. Naabutan ko si mom at dad doon mukhang nagkasabay lang kami.

"Mom, dad good morning" sabay halik sa pisngi.

"Oh Luna nandito ka na pala"-dad.

" Halika na dito at sumabay ka na saamin"-mom.

Sumabay na ako at kumain na din kami. May mga maids din na nagsisibi saamin.

Nag chit chat kami ng kaunti.

"Mahal na reyna, mahal na hari, handa na po ang inyong sasakyan ganun din sa iyo mahal na prinsesa"sabi ng tagapag silbi.

"Ganun ba, sige pupunta na kami"sabi ni dad.

Pumunta na kami sa harapan ng palasyo at nag hihintay na ang sasakyan. Nandoon na din sila Lea. Sumakay na kami at pumunta sa Big market sila mom baka sa counsil ang punta non.

~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Princesses Charm AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon