Makamandag na Phobia

3 0 0
                                    

Hill person ka man o beach babe depende iyon sa ating hilig at intensyon.

Yong iba mas pipiliin ang dagat dahil mas pabor ang puso nila sa mga alon at

simoy ng amihan. Gusto nila yong mga activities gaya ng surfing, parasailing,

at syempre swimming o kaya naman sun tanning, pero parang bihira lang sa Pinas

ang sun tanning.

Yong mga hill person, sila yong hindi takot sa heights, mas pinupukaw yong puso nila

sa lunti-ang puno, umaawit na mga ibon sabay ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa mga pisngi. Sila yong tipo na mas nag-i-enjoy sa mga activities like ski-trail, zip line, mountain biking,

of course trekking.

Pero may mga tao namang flexible.

Pero kung ako ang tatanungin?

I'm a total hill person.Not just beacuse I love anything and everything about mountains.

But also I have Aquaphobia, the fear of drowning. Kaya mas pinipili ko nalang ang mamundok.

Pagtawanan man ako, wala akong magagawa dahil hindi biro ang may phobia.

Pero minsan hindi ko maiwasang mapadpad sa dagat gaya nalang noong kaarawan ng kapatid ko, team building ng mga ka-officemates, gala with friends na walang ibang hilig kundi beachin'.

Hindi ko maitangging sobrang ganda ng ambiance pag nasa dagat ka. Ang sarap ng simoy ng amihan, ang ganda pakinggan ng alon na animoy kumakanta. Karagatan na napakalawak kulay asul na tila tatangayin nito ang aking kalungkutan.

Sapat na sa akin ang maglakad sa baybayin magaspang na buhangin, menamasahahe nito ang aking mga paa at sasalubong ang mapaglarong alon ng aplaya na mag iimbita tumungo sa gitna ng dagat.

At, oo, pinakapaborito ko sa aplaya ang mangolekta ng mga seashells. Ini-uuwi ko ang mga 'to sa bahay at ginagawang accessories.

Oo, aaminin ko, gustong gusto ko rin ang dagat. Gustong-gusto ko ring lumangoy, sumisid.

Hindi ko na-experience sa tanang buhay ko ang makakita ng legit na coral reefs. Nakaka-inggit yong mga taong kayang mag dive. Those people na may karapatang tawagin ang mga sarili nilang mermaid kasi sa totoo lang, I love mermaids.

Gayon pa man, kahit anong pilit ko pero hindi ko kaya. Feeling ko tuloy hihimatayin ako sa takot. Hindi ako nagbibiro, hindi puro kaartehan lang.

I hated it so much pero ano bang magagawa ko sa kapangyarihan ng makamandag na phobia.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We and UsWhere stories live. Discover now