Author's POV
"Mianna?" Sambit ni cheol.
"Huehuehuehue^^." Awkward na tawa naman ni Mianna pagkatapos ay tumakbo ito palabas bago pa magsink-in sa utak ni cheol na may kasalanan siya dito.
Takbo
Takbo
Takbo
Takbo
Ilang oras din silang naghahabulan bago mahuli ni cheol si Mianna.
"Huli ka! Akala mo makakatakas ka sakin ah." Sabi ni seungcheol habang hawak hawak ang bag ni Mianna.
At dahil nga mautak si Mianna. Inalis niya ang strap ng bag niya sa kanyang balikat at tumakas ulit kay seungcheol.
Kaya naman naghabulan na naman sila. Hindi katagalan ay nahuli na naman ni cheol si mianna at paulit ulit na pinitik ang noo nito habang pinapagalitan siya.
"Oy oy oy. Huwag kayo ditong maglalabing labing dalawa. Dun kayo sa may Quadrangle." Napatigil ang dalawa sa kanilang ginagawa sa sinabi ng kaklase nilang si Jasmine, isa sa close friend ni Mianna at ultimate shipper nila.
"HOY! ANONG LABING?!" Sigaw ng dalawa kay Jasmine.
"LOVING KASE YON!" Pagcocorrect ni cheol kay Jasmine.
Binatukan naman siya Mianna.
"Kinorect mo pang adik ka. Kahit loving at labing pa yon, Walang ganon! Yuck... eew." Pandidiri naman ni Mianna kay Cheol.
"At ikaw pa talaga ang nandiri ah. Hoy, you should be thankful at naging bestfriend mo lang naman ang napakahot at napakagwapong si Choi Seungcheol." Pagmamalaki ni seungcheol.
"Wow. Self-proclaimed." Bulong ni Mianna na narinig din naman ni Cheol.
"Hoy! Narinig ko yon!" Sigaw naman ni cheol sa kanya.
"Alangan may tenga ka!" Banat naman ni Mianna.
"Aba't talagang---" pipitikin na sana ni Cheol ang labi ni Mianna nang makita ni Mianna ang teacher nila na papalapit.
"Sir oh. Si Seungcheol po binubully na naman ako." Turo ni mianna kay seungcheol.
"H-hoy anong binubully?! Ikaw ah, kahapon ka pa!" Sigaw ni cheol.
"Oh tama na. Ikaw seungcheol, tama bang patulan ang babae? Bakla ka ba?" Tanong ng teacher nila kay seungcheol.
"Hindi po." Nakatungong sabi ni Seungcheol.
Habang si Mianna naman ay bumebelat sa kanya.
"Osha, malapit ng tumunog ang bell. Pumasok na kayo sa room niyo." Sumunod naman lahat sila sa sinabi ng kanilang teacher.
Buong klase ay tinititigan lang ni seungcheol si Mianna ng masama.
"Anong tinitingin-tingin mo dyan?" Mianna mouthed to cheol.
(Wait tama ba? Basta yung nagsasalita na walang boses.)
Umirap lang si cheol at inalis na ang tingin kay Mianna.

YOU ARE READING
Bring Her Back
RandomIn which a girl helps her bestfriend to get his ex back Date created: 12/15/18 ♡BAOZIHAMZI♡