J H A N E S S A

64 4 1
                                    

Kabanata I:

     Saktong mag aalas otso na nang gabi ng matapos ang klase ng mga magbabarkadang sina May, Purity, Rachelle at Jhanessa.

Bago sila umuwi nagpasya silang pumunta muna sa c.r na katabi lamang ng class room nila.

Nagpupulbos si Purity at May, si Jhanessa naman ay pinapanuod lang ang dalawa niyang kaibigan samantalang si Rachelle naman ay dahan dahang pumasok sa isa sa mga cubicle at halos walang nakapansin sa kanya.

Binasag na May ang katahimikan na bumabalot nang sinabi niyang " hala.... may babaeng lalabas dyan " sabay itinuro niya ang butas sa may kisame na tiningnan naman nina Purity at Jhanessa. Walang pang limang segundo ay nagsisigawan na sila at dali daling lumabas.

Nang narinig ito ni Rachelle na nasa loob parin ng cubicle ay dali dali niyang isinuot ang white pants niya at kukunin na sana ang bag na nakasabit sa pinto nang bigla niya itong nabitawan at kumalat ang gamit niya.

Umupo siya at sinabi ang " Lord... " ng paulit ulit habang nanginginig na nagmamadali niyang dinadampot ang gamit niya sa sahig nang may napansin siyang kulay pulang notebook na nakatago sa likod ng toilet bowl pero dahil sa takot walang pagdadalawang isip niya itong kinuha.

Habang nasalabas ang tatlo na nagsisigawang lumbas ng c.r kanina ngayon ay nagtatawanan na nang may napansin si Jhanessa "asan na si Rachelle??"

" di ba kasama natin siyang pumasok~" bago pa matapos ni Purity ang sasabihin niya saktong lumabas mula sa c.r si Rachelle at lumapit sa kanila at sinabing " Grabe kayo! halos himatayin na ako sa takot!!"

Nagtinginan sina Jhanessa, Purity at May nang napansin nila ang itsura ni Rachelle, namumutla, nanginginig, gulo gulo ang gamit at higit sa lahat ay bukas pa ang zipper ng white pants nito. Nang mapansin ito ni Rachelle agad agad niyang inayos ang sarili at sinabing "kasalanan niyo, iniwan niyo ko sa loob, di ko tuloy alam gagawin ko! nagdadasal na nga ako" Sabay nagtawanan silang apat.

kinabukasan....

Nasa laboratory room si Rachelle para sa zoology class nang makita niya ang pulang notebook sa bag niya. Kinuha niya ito at binuksan sa unang pahina nang nakita niya ang pangalan ng may ari

jhanessa

Tumayo si Rachelle at pumunta sa table ni jhanessa. Inilabas niya ang notebook "notebook mo oh, pasalamat ka napulot ko yan"

Tiningnan ni Jhanessa ang notebook at sinabing "hindi sa akin yan"

napakunot ang noo ni Rachelle " panong hindi sayo eh~ binuksan niya sa unang pahina ang notebook at itinuro ang pangalan " diba sulat kamay at pangalan mo yan?"

Nagulat si Jhanessa dahil may pangalan niya ito at sulat kamay pa niya pero wala talaga siyang naaalala na may pulang notebook siya, ganon pa man ay kinuha niya na lang ito at nagpasalamat.

Nakahiga si Jhanessa sa kama niya habang nakatitig sa kisame ng kwarto niya dahil sa pagod galing sa school. Paiglip na sana siya nang may bigla siyang naalala. Tumayo siya at pumunta sa study table niya at binuksan ang lamp shade, umupo siya at inilabas ang pulang notebook mula sa kanyang bag. Tinitigan niya muna ito at huminga ng malalim atsaka nagpasyang buksan ang mga pahina. . . .

J H A N E S S ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon