J H A N E S S A

48 4 0
                                    

Kabanata II:

      "Mukang puyat ka ah" ang unang bati ni Purity kay Jhanessa habang papasok na sila sa unang klase ngayong araw.

"puyat na puyat" ang sagot ni Jhanessa habang umuupo siya sa unang linya ng mga upuan.

Tatanungin sana ni Purity kung bakit nang biglang pumasok ang proffesor nila sa calculus kaya umupo na lang siya siya.

Habang nakikinig ang lahat lumulutang naman ang isip ni Jhanessa tungkol sa nabasa niya at sa sobrang lalim ng kanyang iniisip di na niya namalayan na tapos na pala ang klase nila sa calculus at kanina pa siya kinakausap ni purity.

" Ha? "

"So yun nga nagtxt na si may na nandun na daw sila ni rachelle sa tambayan ano, sasama ka ba?"

Tumango na lang si jhanessa kay purity at agad na niligpit ang kanyang gamit sa bag. Malapit lang naman ang tinatambayan na kubo kubo ng magkakaibigan dahil nasa loob pa ito ng compound ng university kaya agad silang nakarating.

Nakita agad ni purity sina may at rachelle na nakapwesto sa may bandang unahan na sulok at tabi ng bintana at ng nakita din sila ay tinuro ni may ang upuan na bakante sa harapan nila ni rachelle, pumasok na sa loob si purity at hinihila niya si jhanessa dahil mukang lutang pa din ang pag iisip nito.

"Kumain na kami e, tagal niyo.. " sabi ni may kina jhanessa at purity na nakaupo na sa harapan nila.

" Okay lang.... oorder lang kami ng foods ha. Jhanessa halika na" sabi ni purity sabay lingon kay jhanesse na tumango lang ulit at tumayo kasabay ng pagtayo ni purity para umorder ng pagkain.

Umorder si purity ng dalawang rice at isang sinigang samantalang si jhanessa naman ay isang rice at isang bicol express. Bumalik ang dalawa sa table nilang mag kakaibigan at sinumulan ng kumain ng napansin ni rachelle si jhanessa.

"Anong nangyari dito kay jhanessa?" Tanong ni rachelle kay purity na kaharap nya.

Tiningnan ni purity at may si jhanessa na halatang di alam na siya na pala ang pinaguusapan ng tatlo dahil nakatingin lang ito sa pagkain niya na tila pinaglalaruan.

" Malay ko nga dyan e, ganyan yan mula kanina pagkatapos ng calculus.." sagot ni purity

" hoy! " sabay winawagay way ni may ang kanyang kanan na kamay kay jhanessa na nasa harapan niya lang.

Napatingin si jhanessa kay may

" ganon ba ka hirap yang calculus mo at mukang gugunaw na ang mundo?" Tanong ni may

"Oo nga, alam mo wag mo sisihin ang pagkain kung ayaw mo bigay mo na lang sakin haha" pabirong sabi naman ni rachelle

Ngumiti naman si jhanessa at tahamik na kumain.

Masayang nakkwentuhan ang magkakaibigan maliban kay jhanessa na tahimik padin na kumakain nang napansin ni rachelle na umilaw ang cellphone niya, kinuha niya ito at tiningnan

1 message recieved

Pinindot ni rachelle ang open at napangiti nalang sa kanyang nabasa.

" sabi ko sayo wag kang sisinghot ng katol sa gabi e" sabi ni may kay rachelle na ngiting wagas pa din. Tumawa naman si purity sa sinabi.

" Di na nga effective yung katol e hahaha" pabirong sabi ni rachelle

" ah, bakit ano na ba? " matawa tawang tanong ni purity kay rachelle

" baygon spray na.. haha " sagot ni rachelle habang patayo sa inuupuan at inililigpit na ang gamit

" oh, san ka pupunta? " tanong ni may

" Pupuntahan ko lang yung friend ko nung high school na dito din nag aaral sige ah una na ko... " pag papaalam ni rachelle

" iiwanan mo na kami, ganyan ka naman e lagi kang nangiiwan." Pagddrama ni purity

" O.a mo pure di ako mag aabroad wag kang magaalala " sabi ni rachelle sabay nag beso beso sa mga kaibigan " oh kita kits na lang mga beh hahaha "

"Kita kits"

"Kita kits"

Sabay na sabi ni purity at may kay rachelle na nakatalikod na at paalis samantalang tinitingnan lang siya ni jhanessa at bigla itong tumayo din sa kinakauupuan

" Oh, aalis ka din? " tanong ni purity

" Ahmm may aasikasuhin lang pala akong importante na kalimutan ko... " nag mamadaling sagot ni jhanessa

" anong---" pero di na natapos ni purity ang sasabihin dahil tumakbo na si jhanessa kaya nagkatinginan na lang ang dalawang naiwan na magkaibigan

"Nangyari dun? " tanong naman ni purity kay may.

Sumimagot lang si may at sinabing

" baka tinatawag ni mother nature?"

J H A N E S S ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon