Unang Kabanata

42 2 1
                                    

Maskara

"Anong tinitingin tingin mo dyan?!" Galit na saad ko habang nakatunghay sakanya. "Wag mo akong kaawaan!" Tumawa ako ng parang isang baliw.

Lumapit ako upang mas makita ko ang kanyang imahe. Nakatayo ako sakanyang harapan kung kaya mas naaninag ko na ang kanyang itsura.

"Alam mo nakakaawa ka. Walang nagmamahal sayo! Wala kang kaibigan. Wala kang silbi!" Nakita ko ang panunubig ng kanyang mga mata. Naglandas ito sa kanyang pisngi.

"Hindi ka dapat umiyak dahil lamang nalaman mo ang katotohanan.. Katotohanan na kailanman ay walang magmamahal sayo.. Kaya ka nga ipinamigay nung sanggol kapa lang diba? Kasi ayaw sayo ng mga magulang mo!"

Umiiling sya habang patuloy na paglandas ng kanyang mga luha.

"Kaya ka kung ako sayo tapusin mo nalang ang buhay mo.. Kahit mamatay ka sa mga oras na to, walang manghihinayang sa pagkawala mo.."

Umiling sya at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ano? Sinusuway mo  na ko? Matapang kana ha? Lalaban kana sakin?!" Sa galit ko ay dinampot ko ang vase na nasa may lamesa at inihagis ko iyon sakanya.

Tumilansik ang makinang na bagay na iyon at nagkapira piraso. Muli akong tumingin sakanya at nakita ko ang tila sira sira nyang itsura.

"Yan ang nababagay sayo. Ang masira! Ang mawala!"

Muli ay nakita ko nanaman ang kanyang pagluha. Sinalat ko ang aking pisngi. Maging ito ay basa narin sa mga luha...

Niyakap ko ang aking sarili habang dahan dahang napaupo.

Ako at ang babaeng iyon ay iisa.

Ang nakikita ko ay ang aking repleksyon.

Repleksyon na nagpapakita ng aking emosyon na itinatago ko sa pamamagitan ng isang maskara.

Maskarang isinusuot ko sa tuwing makikihalubilo ako sa ibang tao.

Nagagawa kong ngumiti kahit na ang totoo ay umiiyak ang kalooban ko.

Nagagawa kong ipakita na malakas ako kahit na ang totoo ay hinang hina na ako.

Dahan dahan kong ipinausad ang aking kamay patungo sa matalas at makinang na bubog na nasa harapan ko.

Napapagod na akong isuot ang aking maskara. Na simula nung ako ay musmos pa lamang ay suot ko na.

Napuno ng galit ang puso ko ng maalala ko ang pag aabanduna ng aking mga magulang sa akin.

Hindi ko lubos maisip na magagawa nila iyon sa sarili nilang anak.

Bata palang ako wala ng may gustong kumupkop sa akin.

Kaya bakit papatagalin ko pa ang aking buhay. Gayong wala namang nagmamahal sa akin.

Iniangat ko ang aking kamay na may hawak sa piraso ng salamin at itinapat ito sa aking pulso.

Nang akmang hihiwain ko na ang aking pulso ay may nakakasilaw na liwanag na lumukob sa aking kwarto. Napapikit ako sapagkat hindi ko kayang tagalan ang liwanag na iyon.

Masakit sa mata at nakakapangilabot.

Nang mabawasan ang liwanag na naroon ay doon ko naaninag ang maliwanag na imaheng papalapit sa akin.

"Anak..." Nang marinig ko ang malamyos na tinig na iyon ay tila may malamig na kamay na humaplos sa aking puso. Ang lahat ng galit, poot at kalungkutan ay tila naglaho ng parang bula.

Dahan dahan kong ibinaba ang aking kamay na may hawak ng piraso ng salamin.

Nakatayo Siya sa aking harapan ng bukas ang kanyang mga bisig.

Tumayo ako at lumapit Sakanya. Niyakap ko Siya at doon ay unti unting natanggal ang maskarang bakal na nakakabit sa aking mukha.

"Palagi akong narito anak, naghihintay na kausapin mo... Na tawagin mo.. Alam ko ang bawat hirap at sakit na iyong pinagdadaanan.. At sa pamamagitan ko lahat ng iyan ay maiibasan.."

"Patawad, Ama. Kung nakaramdam ako ng galit Sa Iyo. Inisip kong binuhay mo lamang ako upang iyong pahirapan.. Pinagkaitan ng mamuhay ng may magulang.."

"Alam mo ba kung bakit? Dahil alam kong darating ang panahon na itatakwil mo ako, at gusto kong hanapin mo ang daan patungo sa kandungan ko.. Binigyan kita ng mga pagsubok, hindi para pahirapan ka. Kundi para maalala mo ako.."

"Matatanggap Niyo parin ba ang isang katulad kong makasalanan? Namuhay akong may poot at galit sa aking puso."

Iniangat Niya ang isang kamay nya at hinamplos ang aking buhok. Nakaramdam ako ng kapayapaan dahil doon.

"Kahit gaano kalaki ang iyong kasalanan, isang paghingi mo lamang ng kapatawaran ito'y aking ipagkakaloob.. Ang pagtanggap at pagsisisi saiyong mga kamalian ay sapat na upang patawarin ka.."

"Palagi mong tatandaan.. Naririto ako.. Gumagabay saiyo. Tumawag ka lamang at darating ako.."

"Tumungo ka sa aking tahanan, upang hugasan ang iyong mga kasalanan at isilang ang panibang ikaw na walang poot at galit na namamahay sa iyong puso.. Tanggapin mo ako at kailanman ikay di na makakaramdam ng kalungkutan."

Naglaho sya sa aking harapan.. Habang ako ay nanatiling tulala Sa Kanyang kinakatayuan.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa marahan na pagtapik sa aking balikat.

"Mama. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?" Ang maliliit na kamay ng aking anak ang pumahid sa aking mga luha.

Ang multo ng nakaraan ay nasa aking puso pa. At hindi ito kayang ibaon sa limot. Siguro nga ay panahon na upang ang lahat ng nakatagong poot at galit sa puso ko ay akin ng pakawalan.

Wala man sa akin ang lahat ngunit mayroon Siyang ibinigay na magiging karamay ko. Ang aking anak.

Ipinaalala Niya sa akin kung gaano kadali ang pag ibig na kaya Niyang ipagkaloob sa sanlibutan.

Si Nathaniel. Ang kaloob ng Dakilang Manunubos upang ipagpatuloy ko ang aking buhay. Dumating man sya sa hindi inaasahang pagkakataon. Ngunit naging daan sya upang magkaroon ng kabuluhan ang aking buhay...

At ang maskarang bakal ay akin ng ibaon kasama ng masasamang ala ala ng nakaraan. At alalahanin ang Pag ibig ng ating Poong Maykapal..

End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG DAKILANG MANUNUBOSWhere stories live. Discover now