Feather's POV
Nasaan na ba ang canteen dito nakakaligaw naman parang mawawala ako dito eh.Habang hinahanap ko ang canteen may kumausap sakin na babae.
"Hi ikaw yata yong transferee right?" Tanong niya well maganda naman siya tapos sobrang hinhin niya. Yong boses kapag nagsasalita siya parang bumubolong lang.
"Y-yes" nahihiya kong sagot
"Sus wag ka nang mahiya well im Dianne" sabi nong kasama nang babaeng mahinhin. Well cute siya medyo clumsy rin sarap kurotin. Nangigigil ako.
"And im Keish and you are?"
Sabi ni Keish yong mahinhin na babae
"Im Feather nice to meet you Keish and Dianne" sagot ko
"Nice to meet you too Feather" sabi ni Dianne yong cute na babae
"Well gusto mong sumama sa amin sa canteen ipapakilala kita sa isa pa naming best friend?" Sabi ni Keish
"Well sa totoo lang hinahanap ko talaga kung nasaan ang canteen eh." Sagot ko
"Well lets go" masayang sabi ni Dianne at naglakad na kami papunta sa canteen
Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng mga tao. Ano bang problema nila sarap kunin mga eyeballs nito. Kung makatitig para kaming tinutunaw.
"Feather anong gusto mong kainin kami na lang oorder maghanap ka na lang ng table natin" sabi ni Kiesh
"Ok umm fries at chocalate sundae nalang sakin" sabi ko sabay ngiti
"Okay babalik rin kami Feather" sabi ni Dianne at naglakad na palayo. Ako naman nakahanap na agad ako ng seat.
"Feather!! Ito na yong food mo" sabi ni Dianne
"Thank you" sabi ko sabay abot nang pera
"Ano yan?"tanong ni Keish
"Pera"sagot ko
"No keep it Feather libre na namin niyan sayo"sabi ni Keish
"Are you sure?" Tanong ko
Ngumiti lang siya at nagnod
"Well thank you"at nagsmile
"Asan na ba kasi Migs tagal naman" singit ni Dianne
"Sino si Migs?"tanong ko
"Makikilala mo rin siya" sagot ni Dianne. Napa-ahmm na lang ako
"Tawagan mo nalang kaya"sabi ni Keish
"Nice idea Keish ang talino mo talaga" sabi ni Dianne
"Well maliit na bagay" at tumawa kaming tatlo. Mukhang magiging close kaming tatlo ah.
"Excuse me lang ha tatawagan ko pa si Migs eh"
Sabi ni Dianne
Nagnod lang kami ni Kiesh. Well habang naghihintay kami kay Dianne nag-usap muna kami ni Keish about random things like yong school ko dati at yong life namin. Marami pala kaming similarities kaya sigurado ako magiging close kami.Bumalik na rin si Dianne at sumali sa girl talk namin. Nang biglang may nagsalita.
"Hi guys sorry Im late" sabi nong lalaki. Gwapo,may bunny teeth at matangkad
"Oh siya ba yong bago nating kabarkada?" Tanong sabay turo sakin
"Oo siya yon, by the way Migs this is Feather and Feather this is Miguel"nag shake hands kami at nag-smile. Gosh ang kyut ng bunny teeth niya.
"But i prefer you to call me Migs. Nice to meet you" gosh crush ko na yata siya
"Nice to meet you too Migs" sabi ko
"Sige kain na mamaya na yan"sabi ni Dianne
Nagsitawan kami at tinapos ang kinakain namin. After 15 minutes nag ring na yung bell.
"Ano hatid ko na kayo?" Alok ni Migs
"Wag na si Feather na lang baka maligaw nanaman siya"sabi ni Keish
"Sige Feather lets go" sabi ni Migs
"O-ok" sabi ko. Kalma lang Feather . At naglakad na kami papunta sa classroom ko. Sobrang tahimik nakaka-ilang.
"Um Feather what section ka pala?" Tanong ni Migs
"Um section Cepheus" sagot ko
"Ah magkalapit lang pala tayo ng classroom"sabi
Niya
"Bakit what section kaba?" Tanong ko
"Andromeda" sagot niya
"Ay nandito na tayo sa classroom mo" sabi niya
"Ay oo nga pala, enjoy your class" sabi ko with smile
"Ikaw rin bye sabay tayong lumabas ha! hihintayin kita bye" sabi niya sabay talikod. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Pero naglakad kaagad ako ng makita ko na yung teacher namin papalapit. Agad naman akong umupo. Haysst! Muntikan na yon.
"San ka galing?" Tanong ng bwiset na seatmate ko
"Paki-alam mo ba" pagtataray ko
"Bakit? Masama na bang magtanong" sabi nito. Kagigil sarap suntukin eh.
"Close ba tayo?" Sagot ko
"Oo" sagot nito. Magsasalita pa sana ako pero pumasok na si Mam at nagdiscusss. Sana magtagal ako dito buwiset!!!!nakaka badtrip
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Miguel Shawn Perez On the media
