[ Invisible by Taylor Swift ]
"Jia!!" sigaw ni Cristina. Baliw talaga yung babae na iyon kahit kelan. :PP Palapit sila ni Iris sa akin.
"What?" pagsusungit ko. "OMG! Alam mo ba yung nabalitaan namin ni Iris?"
"Duuh, mukha bang alam ko?!! Spill it out. Dami mo pang sinasabi eh!"
"SI DJ AT SI KATH NA!" they said in unison.
*sighs*
"Alam ko. Ako nga yung tumulong kay DJ na manligaw kay Kath." sabi ko.
"ANOOO?!! NABABALIW KA NA BA JIA? PAANO NA YUNG FEE-" tinakpan ko agad yung bibig ni Iris gamit yung kamay ko. "Sssshhh!" saway ko sa kanila.
Well, ganito kasi yun. May lihim na pagtingin ako kay DJ. Yuck! Lalim. :> Since elementary hanggang ngayon na 3rd year na kami. Close kami kasi classmates parati. :) So parang bestfriends kami.
Si DJ may gusto kay Kath simula pa din noon. Pero torpe kasi siya. Kaya humingi siya ng tulong sa akin last week.
*flashback*
"DEEJAAAY!! ANONG GINAWA MO SA PANCAKE KOO!!??" Inis na sigaw ko sa kanya. Paano kasi nag-drawing siya ng kung anu-ano sa pancake ko. Eh project ko yun para sa elective kong bakery. :((
Pinakita ko sa kanya yung pancake habang nakahiga siya sa sofa namin. NAMIN AH? Lagi kasing nandito si DJ sa bahay eh. Nambibwiset. XDD
"Maganda naman ah!' sabi niya pero tumawa din siya bigla ng malakas.
*pok*
"ARAAY JIA!" Binatukan ko nga. Siraulo eh. -__-"
"Daniel John naman! Alam mo namang project ko yan eh" sabi ko sabay upo sa may paa niya. Alam ni DJ na pag tinawag ko na siya ng buong pangalan niya, di na talaga ako okaay.
Umayos siya ng pwesto siya at tumabi sa akin. "Uy Jia." sabi niya sabay kiliti sa may tagiliran ko. Di ko siya pinapansin. Nakakainis naman kasi eh. >:DD Project ko yun. Hindi sa tinatamad na akong gumawa ulit ng bago pero kasi may design na yun tas binaboy niya lang. Pinagpuyatan ko kaya yun! :| "Sorry na uy. Hayaan mo magluluto na lang ako ng pancake."
"Di naman yung pancake DJ eh! Yung design!!! Pinaghirapan ko yun tapos binaboy mo lang." sabay pout. >n< Ginulo niya yung buhok ko. "Ikaw talaga!! Di ba magaling ako sa designs??" sabi niya. Nagtaka ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. Magaling? Parang hindi naman. :PP
"Jia naman! Nakalimutan mo na bang Arts and Crafts ang elective ko?" sabi niya sabay ngiti. Nga pala, magaling din yan sa Arts. :) Hihi.
"Oo nga 'no!! Basta ha? Sabi mo yan. Sa thursday dapat napasa ko na yan."
"O sige. Pero Jia, favor naman oh." tiningnan ko lang siya habang nakataas yung kilay ko. Mukhang alam ko na kung para saan. =___=+
"Oo. Kay Kath.." sabi niya sabay kamot sa ulo. See? Ganyan ko yan kakilala. :DD
"Ano na naman?" pagsusungit ko. Ayaw ko kasi ng mga ganyang usapan eh. Dahil nga sa... alam niyo na. =)) At saka pagkaganyan, uutusan niya lang ako. For example, bigay mo 'to kay Kath, pasabi kay Kath at madami pa.

BINABASA MO ANG
Songs. (One Shot Stories)
HumorMga one shot stories based on my favorite songs. :) Sana magustuhan niyo.