Prologue

15 1 0
                                    


Paano ba mag move on?

Sa t'wing makakakita ako ng dalawang taong nagmamahalan. Naalala ko yung tayo. Naalala ko yung panahon na tayong dalawa pa. Magkahawak kamay habang naglalakad sa magandang park. Nagtatawanan habang nasa biyahe. Kumakain sa paboritong restaurant. Food trip ng streets foods. Manuod ng sinehan na Romance minsan comedy o minsan drama at may dala-dala kang tissue box kasi iyakin ako. Mahilig pumunta sa isang paraiso na lugar katulad ng beach. Putcha naalala mo pa ba kaya ito!!...

"Hoy Denise,, umiiyak ka na naman." Biglang saad ni Betty.

Na, nagpagising sa akin na nasa real world na talaga ako. Dali-dali kong pinunas ang luha ko.

"Bessy, naman hindi ka pa ba nakamove on kay Jacob?." Tanong bigla ni Betty.

"Alam mo bessy, I'm okay." Saad ko.

"Okay mo, ang pagmumukha mo Denise. Ano ba naman 'yan, ang ex mo nagpapakasaya na siya sa bago niya. At ikaw naman eto ka lubmok sa putikan. My gosh bessy wake up." Saad ni Betty.

Tama si bessy. May bago na ang ex boyfriend ko. Actually siya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Two months pa lang ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. Hindi 'man sa physical, pero sa emosyonal ang may sugat. Hindi pa ko makalimot sa nakaraan dahil sariwa pa ito.

"Bessy, two months na. Eto ka pa rin kasama ka 'nga namin. Pero parang wala ka naman dito." Saad ni Betty.

Tinignan ko si Betty.
Naawa ako sa mga taong nakapalibot sa akin. Pati sila nadadamay sa nangyayari sa buhay ko.

"Pasensya ka na Betty ah. Aaminin ko hindi pa rin ako maka-let go. Sariwa pa rin sa puso ko." Saad ko.

"Sabagay kung ako naman ang naiwan ngayon siguro nag-eemote rin ako." Saad ni Betty.

Hay... Madaling sabihing mag-move on na. Pero ang hirap gawin, dahil lahat ng mga nangyari sa pagmamahalan niyo, ay sariwa pa sayong isipan.

"Pero bessy, kailangan mo ng pahinga. Yung kailangan mong ibang lugar para makahinga. Yung ganun, para makalimot ganern." Saad niya.

"Bess, hindi ko kailangan 'yan. Kailangan ako ng cafe ko." Saad ko.

"Bessy, akong bahala 'noh. Ang bitter na 'nga ng kape na ginagawa mo. Bitter ka pa dahil sa love life. " Biro ni Betty.

"Ha.ha.ha.ha" Sarcastic na tawa ko.

"Hay, tignan mo yung feslak mo. Stress ka na sa cafe, stress ka pa sa problema mo sa pansarili." Saad ni Betty.

Kailangan ko na ba'ng ibang ambience para makalimot at bumalik sa dati?

"Pag-iisipan ko 'yan. Ngayon ang kailangan kong i-focus ay ang cafe." Saad ko.

"Basta huwag mong hahayaan yang health mo." Saad ni Betty.

"Opo Ma, daig mo pa si Mama 'noh." Saad ko.

Dinaig si Mama sa kakasermon sa'kin.

"Naku, kulang pa 'nga eh. Dapat ginawa ni tita Liz sayo, inuntog ka na sa wall para gumising sa katotohanan. Masyado kang naniniwala sa jowa mo. Eh ngayon eto ka naiwan ng luhaan." Saad ni Betty.

"Masama ba'ng magmahal?." Tanong ko.

"Hindi masamang magmahal, pero magiging masama ang pagmamahal kung ang taong mahal mo ang ginawa mong mundo. Yung tipong sa kanya lang umiikot ang mundo mo. Ngayong iniwan ka niya, ikaw ang labis na nasasaktan kasi binigay mo ang lahat, wala kang tinirang pagmamahal sa sarili mo." Saad ni Betty.

Doon ako natamaan, sa kanya lang umikot ang buhay ko. Sa limang taon na pagmamahalan namin pucha isang iglap tinapon niya lahat. Ako na naman nagbulag-bulagan yung tipong alam munang niloloko ka na. Eto parang walang nakikita. Dahil sa pagmamahal. Isang malaking tanga ako pucha. Nagpaka-gaga sa isang tao na minsan nagmahal sa akin.

"Masyado ko siyang minahal kaya ganito ako. Nagbulag-bulagan kahit alam kong mali. Naging gaga dahil mahal mo siya eh. Nagpakatanga kasi mahal mo 'nga. Pero g*go siya isang kisapmata iniwan niya lang ako. Ang g*go niya." Umiiyak na saad ko.

Humagulgol ako sa sobrang sakit. Sa sobrang sikip na ng nararamdaman ko.

Lumapit si Betty sa akin at niyakap niya ko.

"Uy tama na na'ku pinagtitinginan na tayo ng mga customer dito. Baka akala nila magsyota tayo." Saad ni Betty.

Kaya napatawa naman ako. "Ang gaga mo talaga." Saad ko.

Nasa drama napunta sa comedy. Umupo ulit siya.

"Alam mo girl kailangan mo lang ng bagong environment yung tipong makakalimutan mo yung realidad na mundo. Punta ka sa paraiso na parang nasa mundo ka ng unrealistic world. Yung tipong parang nasa fantasy world ka. Yung kahit sandali makakalimot ka. Malay mo makalimutan mo si Jack." Saad niya.

"Betty tigilan mo ' ko sa mga ganyan. Kailangan ako ng cafe, hindi ko maiiwan ito." Saad ko.

"Bessy, ano pa'ko haller nandito ako." Turo sa sarili niya.

"Nakakahiya naman sayo Betty, dahil lang sa ganito ako. Sobrang nagpapaapekto ako sa nangyari kaya pati ikaw nasasama na rin." Malungkot na saad ko.

"Ayy, best friend kita bakla kaya huwag mong isipin ang mga ganyang bagay. Nasa loob palang tayo ng tiyan ng mga nanay natin mag best friends na tayo. Or ginagawa palang tayo best friend na tayo." Natatawang saad ni Betty.

Kaya natawa na rin ako.

"Tignan mo seryoso usapan napapalitan mo ng kalokohan." Saad ko.

"Pero totoo na 'toh friend payong kaibigan lang. Kailangan mo talagang magpahinga walang halong biro. Tignan mo yung feslak mo parang hindi na ikaw 'yan. Ang Denise na kilala ko ay masyadong blooming at masayahin. Hindi katulad ngayon mukhang lugmok sa problema. Kailangan mo'ng magpahinga kahit one month lang. Problemado ka na 'nga sa cafe nakisama pa ang buhay pag-big mo." Saad ni Betty.

Mukha na ba talaga akong depressed?. Kailangan ko ba ng pahinga?. Kailangan ko ba'ng maglibang muna?. Siguro tama talaga si Betty kailangan ko'ng magpahinga muna sa trabaho at sa problema sa buhay pag-ibig ko. Pati rin si Mama nag-aalala na sa'kin. Pati siya naiistress na rin sa kakaisip sa'kin. Tumatanda pa naman si Mama, imbes na akong mag-alaga sa kanya ako pa to'ng pabigat sa kanya. Hindi ko na napapansin yung mga taong nakapaligid sa'kin. Yung mga taong tunay na nagmamahal sa'kin. Mas inuunahan ko pa yung mga taong walang ginawa kundi saktan lang ako. Napaka tanga ko naman.

"Pasensya ka na Betty ah. Pati ikaw nadadamay pa sa problema ko. Masyado ko nang inabala ang sarili ko kay Jacob samantalang nandiyan naman kayo para punan ng pagmamahal na hindi binigay ni Jacob." Malungkot na saad ko.

Bakit di ko inisip na nandito lang sila para suportahan ako kung ano 'man ang mangyari sa'kin.

"Hay, friend huwag munang problemahan ni'yan. G*go yung ex mo dahil iniwan ka niya. T*ngina siya kasi pinagpalit ka niya sa mukhang p*kpok na 'yun. Mas marangal pa trabaho mo dun eh." Galit na saad ni Betty.

"Tanggap ko na, masyado ko lang inisip 'yan. Pero naisip ko rin na kailangan ko mag refresh. Pumunta sa mga lugar na nakaka-good vibes yung tipong mapapaisip ako na kailangan love yourself first." Saad ko.

Unahin muna ang sarili bago ang lahat.

"Korek ka di'yan friend. Ngayon gawin mo umuwi para makapag pahinga at maghanap ng mga places na makakapag-pahinga ka. Ako na ang bahala dito friend at huwag ka rin mag-alala ako na ang bahala kay tita Mina." Saad ni Betty.

Sa bawat buhay pinagdadaanan natin ang masaktan. Eto ang kwento ko kung paano ako makakamove on sa puny*ta kong boyfriend. Paksh*t ka makakamove on din ako sa'yo. Akala mo ikaw lang, bwisit mas may gwapo pa sa'yo g*go.

Pag mamahal talaga gagawin ka'ng t*nga pero masarap umiibig pero nakakap*nyeta lang talaga. Ang sakit wala 'man lang pasabi na papalitan ka. Ang masakit ikaw mismo ang makakakita na may iba na siya. Sakit 'nun 'noh? Pero makakamove on din ako pangako sa g*gong nagloko sa 'kin mapapalitan kita mas gwapo yung tipong total package na.

So, Tara mga Readers.

Samahan niyo ko sa aking palalakbay para maka-move on.

Denise Lorenzo ang tour guide niyo sa kwentong ito.

Paano Ba Mag Move on? (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon