friendzone? (one shot)

21 2 0
                                    

friendzone?


__________

yung feeling na mahal mo ang bestfriend mo at wala kang magawa dahil natatakot ka na baka masira ang friendship niyo.. yun ang feeling ko ngayon.


unang beses na nakita ko si cray nagustuhan ko na siya. his name sounds funny the first time that we met I thought he was just joking about it. so I laugh but then his face look serious that's when he told me about the back story of his name.


his name was supposed to be gray but then his father was so happy the time that his mother gave birth to him that's why he heard her wrong and thought it was cray not gray.


we met in a coffee shop, mahilig kasi ako sa kape. nagulat na lang ako ng biglang lumapit ang waitress sakin na may dalang isang slice ng paborito kong triple chocolate cake at isang tasa ng paborito kong caramel macchiatto.


"miss I didn't order anything" I said politely to the waitress.


she just smiled at me and said "I know maam" and then left.


tiningnan ko yung dala niya at dun ko lang napansin na may sulat pala. "can we be friends? :) look behind your back." and on my instinct I look behind and there I saw him smiling. and I felt like everything slows down. I felt my heart beats fast. and it feels like there's tornado inside my stomach.


habang papalapit siya sakin hindi ko alam kung anon gagawin ko. "hey, I'm cray by the way. you?"


nung narinig ko ang pangalan niya hindi ko mapigilang mapatawa first time ko kasing makarinig ng ganung klase ng panagalan. "seryoso? cray ang pangalan mo?" natatawang tanong ko sakanya.


hindi siya sumagot, he seems serious. "oh. so your serious? I'm cleo. thanks for the cake and coffee" I smiled to him, to take off the awkward feeling.


"can we be friends?" he asked again then smiled at me.


"well, let me think about that one" I said to him while smiling.


"oh come on, friends?" sabi niya sakin habang inaabot ang kamay niya saakin for a shake hands.


that was the start of our friendship.


pero habang tumatagal hindi ko mapigilang hindi mahulog sakanya. sino ba naman kasing hindi mafafall, ang sweet sweet niya, ang thoughtful niya pa, sobrang caring at sobrang understanding.


hayy. masyado kasing pafall ang lalakeng yan eh. pero napapansin ko lately parang mas sweet siya tapos parang parati siyang masaya. ayaw ko man mag-assume pero sa tingin ko inlove siya ngayon. I just hope na ako ang mahal niya.


assuming na naman ako. kaya ako nasasaktan eh. kahit naman kasi magbestfriend kami we never talked about his lovelife. sa tingin ko iniisip niya na its too personal para ishare saakin considering the fact that I'm a girl. that's why never I brought up that topic.


___


"hey ang lalim ng iniisip mo" narinig kong sabi ni cray sakin.


nandito nga pala kami ngayon sa favorite place namin. yung cafe kung saan kami nagkakilala. tinawagan niya kasi ako kanina sabi niya may importante daw siyang sasabihin. at sa tono ng boses niya alam kong masaya siya. kaya wala na akong nagawa kundi ang umoo.


pagkababa ko ng phone napaisip ako, ano kaya ang importante niyang sasabihin at sobrang excited siya. he even told me to dress well. ayaw ko man isipin pero baka magtatapat na siya sakin? baka mahal niya na rin ako?


sige lang cleo umasa ka lang ng umasa. I thought to myself.


at ngayon nga nandito ako sa coffee shop nasasaktan dahil kaya niya pala ako pinapunta dito ay may ipapakilala daw siya saakin. girlfriend niya.


"hindi noh. yung yelo kasi ng iced tea ko tunaw na, kuha lang ako ha? wala pa naman yung girlfriend mo eh"


"ok" and then he nod.


I lied, sinabi ko lang yun kasi. hindi ko alam ang sasabihin ko. masaya ako kasi masaya siya. pero malungkot ako kasi hindi ako ang dahilan ng kaligayahan niya.


bakit ba kasi minahal ko siya alam ko namang imposible na mahalin niya ako. he made that clear. that he will never fall inlove with his friends or bestfriends, kasi ayaw niyang masira ang friendship.


tama nga naman siya. ang dalawang taong nagmahalan at naghiwalay ay pwedeng maging magkaibigan. pero yung magkaibigan na nagmahalan at nagkahiwalay mahihirapan ng ibalik ang pagkakaibigan.


I went back to our table. and there I saw him with that kind of smile that I never saw when we are together. his looking at her lovingly. its almost like his eyes are sparkling.


I always wish that one day he would look at me like that.

isang minuto na rin siguro akong nakatayo dito sa harap nila pero hindi pa rin nila ako napapansin. parang may sarili silang mundo at sa mundong iyon sila lang dalawa ang magkasama.


napalingon naman si cray sa kinatatayuan ko.mabuti naman dahil kanina pa masakit ang puso ko.


"kanina ka pa diyan c? pasensya na ha namiss ko lang talaga itong baby ko" nakangiting tanong sakin ni cray sabay hawak sa kamay ng girlfriend niya.

"hindi naman.siya na ba yung ipapakilala mo sakin?" nakangiting tanong ko naman sakanya. kahit na nasasaktan na ako pinipilit ko pa ring ngumiti.ayaw ko namang umiyak kasi wala naman akong karapatan. kaibigan lang ako.


"oo nga pala, cleo ito nga pala si kara girlfriend ko. kara bestfriend ko nga pala si cleo." pakilala niya sakin.


"hello, so your the mystery girl. its nice to finally meet you" I gave her a smile.


"hey cray, I need to go. tumawag kasi yung secretary ko. may naghahanap raw sakin sa office. urgent daw.." baling ko kay cray with an apologetic look.


"sorry kara ha. ngayon lang nga tayo nagkakilala tapos aalis agad ako." baling ko naman kay kara.


"its okay. naiintindihan ko naman. lets just hang out some other time." she said to me in a very nice tone.


"hayy. napakaworkaholic mo talaga. pero babawi ka ha?" may pagtatampong sabi ni cray sakin.


"oo, babawi ako promise" I smiled and nod to kara and bid goodbye before I left.


pagkalabas na pagkalabas ko pa lang sa pinto ng restaurant my tears started to fall from my eyes.and as if on cue bigla ring bumuhos ang ulan. pag sineswerte ka nga naman.

who am I kidding? hindi naman tumawag sakin ang secretary ko. I just made that up. gusto ko lang makaalis sa lugar na yun.


gusto ko lang makalayo sa kanila. ang sakit na makita mo ang taong mahal mo masaya sa piling ng iba. it sucks cause I thought he loves me too. oh well siguro nga tama yung kasabihang maraming namamatay sa maling akala.


hindi man ako namatay physically unti-unti namang namamatay ang puso ko sa sakit.


being in friendzone sucks. it hurts big time.


bakit pa kasi siya ang minahal ko?


end.


______________

A/N: sorry po kung panget ang ending. BITTER po kasi ako ngayon. -___-


wag po kayong mahiyang magleave ng comment :)

friendzone? (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon