2

15 3 1
                                    

I dedicate this chapter to a very good friend of mine, rosleeng
Thank you sa walang sawang pagsuporta sa akin at sa pag inspired sa akin na magsulat. Thank you so much so this chapter is for you. ❤️

***

"I'm here." Agad ko ring binaba ang tawag matapos kong matanaw ang itim nyang kotse. Nang tumigil na ito sa harap ko kung saan naghihintay ako sa labas ng subdivision namin ay saka naman sya bumaba agad para pagbuksan sana ako ng pinto pero pinigilan ko sya agad.

"No, it's okay. I can do it myself." Pumasok na lang din syang muli sa sasakyan.

"Are you ready?" Baling nya sa akin. 

"I need to." Pinaandar na nya muli ang makina at nagsimula nang bumyahe.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung hingin ko sa kanya ang pabor na yun. Tulad ng mga karaniwang babae ay sobra din akong nasaktan dahil sobra ko rin siyang minahal kaya humingi pa ako ilang mga araw para umiyak at tanggapin ang mga sinabi nya.

"I only have one favor to ask. Can we start all over again before everything falls apart?"

Yan lang ang pumasok sa isip ko nung mga araw na iyon. Ayaw kong magmakaawa ng pagmamahal pa galing sa kanya dahil sinabi na nya mismo sa akin na hindi na nya ako mahal at ang tangi ko lang magagawa ay tanggapin.

Nais ko na magsimula muli kami sa simula. Magsimula kung saan ko sya unang nakilala, unang naka usap, unang nagka aminan, unang nag away, unang nagbati at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa amin. Hindi madali na balikan ang mga lugar na kung saan kayo nagsimula pero para sa akin gusto kong balikan ang mga ito para alam ko kung paano ako magpapatuloy pang muli.

"We're here." Hindi ko man lang namalayan na nandito na kami sa harap ng ***** University. Binigyan ko sya ng isang ngiti at saka bumaling muli sa lugar na iyon. "Let's go."

Narito kami ngayon sa may bench kung saan natatanaw ang soccer field. Alas otso pa lang ng umaga kaya hindi pa ganun kainit. Isa ito sa lagi kong tinatambayan nung 2nd year college pa lang ako. Maraming puno sa pwesto na ito at tago rin ito kaya madalas akong nagpupunta dito para matulog at magbasa basa.

"Dito kita madalas makita tuwing may practice kami ng soccer." Napalingon ako sa kanya nang banggitin nya iyon.

Flashback

Napatigil ako bigla sa pagbabasa ng may gumugulong na soccer ball papunta sa akin at napatigil ang mata ko sa pares ng sapatos na nasa harap ko na pinatong sa ibabaw ng bola para tumigil sa paggulong.

"Sorry naistorbo ka ata." Ngumiti sya ng medyo nahihiya at sabay kumamot sa batok nya. "Napalakas kasi yung sipa." At sinenyas nya yung kasamahan nya na mukhang hinihintay sya.

"Okay lang." at nginitian ko rin sya. "I'm Ivan nga pala." At sa unang pagkakataon ay nasilayan ko ang napakaganda nyang ngiti. Tila naging guhit na rin ang kanyang mga mata sa kanyang pagngiti dahil sa kanyang pagiging singkit.

"Angel." At inabot ko ang kamay nyang nakalahad.

"Ivaaaaaaaaan!" Nilingon nya ang kasamahan nya na mukhang nababagot na sa kakahintay.

"Mukhang kailangan mo ng bumalik." Saad ko.

"Ah yeah. So I'll see you around, Angel." At binigyan nya ulit ako ng isang napakatamis na ngiti na sinuklian ko rin ng isang ngiti at saka sya tumalikod.

End of Flasback

"That was the first time that I saw your sweetest smile." Napangiti na lang sya sa sinabi ko.

"Yeah me too."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before Everything Falls ApartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon