Prologue.

415 15 3
                                    


"Nasan na kasi 'yun?!" Sigaw ko habang hinahanap ang notebook ko na kanina pa nawawala.

"Hanapin mo lang kasi, baka nasa dulo lang ng bag mo." Missy said.

"Dulo?! What the actual fuck Missy! Ang liit lang ng bag ko! Tingin mo may dulo pa 'yan?!" Sabi ko habang hinuhulog na lahat ng gamit ko mula sa aking bag.

"I'm just helping you okay? Chill!" Sabi niya, inirapan ko nalang ito.

Nandun 'yung assignment ko! Pinaghirapan ko 'yun kagabi, tapos ngayon mawawala? Ugh! Impossible namang mawala 'yun, nasa bag ko lang 'yun kanina! Bumili lang kami ng tubig ni Missy! Tapos pagkabalik namin ay wala na, 5 minutes nalang bago ang next subject, at nandun sa notebook na 'yun ang assignment!

"Putangina." Bulong ko sa sarili ko.

"Hey Autumn! Hiniram ko lang, wala akong assignment eh! Thank you!" Binato sa akin ni Sebastian ang notebook na kanina ko pa hinahanap.

"Fuck you!!" I shouted.

"Later baby!" Sigaw niya din at tumakbo paalis. Tumawa pa ang mga kaklase ko at si Missy. Inirapan ko sila.

'Baby?! Yuck, kadiri!'

"Later baby!" Panggagaya ni Missy sa sinabi ni Sebastian.

"Tumahimik ka nga!" I said. Medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko dahil nasa akin na 'tong notebook ko. Naiinis lang ako kasi pinaghirapan ko 'tong gawin kagabi tapos siya kokopya lang?!

'Kailangan ko na ata bumili ng de susi na bag.'

Bumalik ako sa huwisyo nang dumating ang aming adviser. Some of my classmates stood up for them to go back to their proper seats.

I hate this class not because of the subject but because of Sebastian. We are seat mates in our Science class, nagtitiis lang ako dahil palagi niya akong kinukulit, palagi ding nangongopya.

Speaking of the devil. Pumasok ng parang hindi late si Sebastian, nakasabit sa kanyang kanang balikat ang kanyang bag. Napatitig ang mga kaklase kong babae sa kanya na para bang nakakita ng multo.

"Mr. Villanueva, late ka nanaman?" Our adviser asked while writing something on the board. Umupo na sa tabi ko si Sebastian.

"Sorry ma'am, bebe time." Sabi niya na parang wala lang. Tumawa ang mga kaklase namin.

Aba! Mas mahalaga pa talaga ang love life niya sa pagaaral?! Wtf?

"Pagbibigyan kita ngayon Mr. Villanueva, pero sa susunod na maulit pa 'yan at 'yang girlfriend  mo pa ang dahilan, dalawa kayong mapupunta sa detention room." Mahinahon na sabi ni Ms. Flores, dalaga pa siya, pero kung ibang teacher siguro namin ito, baka pinalayas na si Sebastian.

"Nice, another bebe time." Bulong niya pero ako lang ang nakarinig. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Tumingin rin ito sa'kin.

"Bakit baby? Selos ka? Magpalate ka din minsan para tayong dalawa sa dete-" Pinalo ko siya sa kanyang braso pero mahina lang, ayokong marinig ako ni ma'am.

"Ouch baby ha, gusto ko kiss, ayaw ko palo-" Tinampal ko ang aking kamay sa kanyang bibig para tumigil na ito.

"Stop calling me baby." Bulong ko.

"Then what do you want? Honey? Love? Darling-"

"Shut the fuck up Sebastian!" Napatakip ako sa aking bibig nang napagtanto na sumigaw pala ako. I heard Sebastian chuckled. Pero nanatili akong nakatitig kay ma'am.

I fell in love with my bully - On GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon