Laro tayo ng habulan
Kung saan ikaw ang unang lilisan
Ako yung taya na nakatayo padin sa pinagsimulan
Iyong ngiti ay aking nasulyapan
Nakipaglaro ako kahit alam kong ako ang maiiwang talunan
Sumugal ako kahit ako din ang masusugatan
Kahit ako lang yung masasaktan
Tumakbo ka ng mabilis at ako'y iyong tinalikuran
Gusto ko mang humabol pero hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan
Paano pa kaya kita maabutan?
Di mo man lang ako nilingon o tinignan
Patuloy ka lang sa pagtakbo hanggang sa ako ay tuluyan mo na ngang nakalimutan
Ako'y nakatayo padin habang niyayakap na ni kalungkutan
Hanggang sa di ko na namalayan na bumubuhos na pala ang ulan
Sabay nitong mga luha ko na nakikipag paligsahan
Aasa pa ba ako na ako'y iyong babalikan?
Alam kong hindi, kasi kahit kailan hindi mo naman ako pinahalagahan
Pero sana kung babalik ka man, andito padin ako sa unahan
Sana matandaan mo na ito ang ating tagpuan
Kung saan tayo ay naglaro at ako'y iyong iniwan.
~Anne
Inspired from the song "Laro by Autotelic"