"Ako, Ikaw at Siya"

13 1 0
                                    

Ako yung nandito para sayo

Pero ako nalang ang aalis at lalayo

Umaasa padin ako na sana ako ang piliin mo

Pero sa aming dalawa, alam kong siya padin ang pipiliin mo

Ako ay sa malayo nalang titingin

Habang sinasambit sa panginoon ang aking dalangin

Hinihiling na sa akin naman ikaw tumingin

Upang malaman mo kung ano pinagka iba

Ng ikaw na masaya sa iba

Habang saakin ay ikaw lang at wala ng iba

Pero eto padin ako pilit na umaasa

Kasabay ng mga malulungkot na kanta, unan ko ay basang basa

Mga luha ko na rumaragasa

Etong mga luha na ikaw ang dahilan

Dahil sa puso at isipan ko, ikaw lamang ang tanging laman

Pero alam kong kailangan ko ng magising sa katotohanan

Na kahit gaano pa kalakas ang aking mga sigaw

Kahit ako'y kumapit, ikaw din ay bibitaw

Sana damdamin ko sayo ay pumanaw

Dahil kahit itigil ko na ito

Eh kung ikaw padin ang gusto

Kahit ako yung nandito

Siya at siya padin ang pipiliin mo.


~Anne

Para sa mga umaasa :">
Etong topic ay nirequest ni bespren ko~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short Poems CompilationWhere stories live. Discover now