CHAPTER 1

15 2 0
                                    


"Mama!" Sigaw ko kay mama. Paanong hindi ako sisigaw e late nanaman ako! First Day na first day ko pa naman! Aish!

Pero ito ako, nakahiga parin. Ewan, biglang sumama ang aking pakiramdam. Ganun talaga siguro kapag Monday HAHAHA! Joke!

Asan na kaya si mama? Bakit walang sumasagot sa akin? Para tuloy akong tanga dito, dahil kausap ko nanaman ang aking sarili.

             Makababa nga muna.

"Dig!dig!dig!dig!" Tunog ng aming hagdanan, oo may tunog! Paano ba naman kasi si mama pinalagyan nya ng ganyan. Para daw kung sakaling may pumasok na magnanakaw sa amin ay malalaman kagad namin.

At ito pa, bawat sulok sa bahay namin ay merong iba't-ibang klaseng tunog haha! Ang cool ba ni mama? hindi ah! She's weird.

Bampira yata itong si mama e HAHAHA! Gising lang kasi sa gabi, at tulog kapag umaga. Minsan lang din lumalabas ng bahay yan, ewan ko ba.

Sabi ko nga kay mama, habang buhay pa kami ay kailangan mag enjoy kami! Tama ako diba? Life is too short! Dapat every single day ay memorable!

Kagaya na lamang nung ginawa ko nung isang araw. Binigyan kong tsinelas yung babae, pero di nya alam na meron pako yun HAHA! Am I bad? HAHA! Wala, natutuwa lang ako kasi kapag may nakikitang dugo. Ewan ko. Weird ko rin diba? Sympre saan pa mag mamana? Edi sa nanay kong weird din! HAHAHA!

Antagaaaaal ni mama hays! Wala pa akong pagkain huhu. Paano kaya ako makakapasok nito kung ganito katagal si mama! At hindi ko pa alam kung nasaan sya! Bigla bigla nalang nawawala yan si mama. Akala mo may super powers! Pero kahit parehas kaming weird ng mama ko, mahal ko yan! Dahil kung wala sya, wala ako. Gets mo ako?

Bukod sa maganda ang aking nanay, mabait rin yan. Ayun ang hindi ko namana sakanya. Kay dad daw ako nagmana ng pagiging tripper, e. HAHA! Thanks, dad! Masarap ang ganitong buhay. Atsaka ginagawa ko lang namang memorable ang araw ko, ah! Walang masama dun! Ang masama ay pumatay ng tao. Tama diba!

Kaya huwag nyo kaagad akong huhusgahan. Dahil lahat ng ito ay may dahilan. Hindi natin alam pare-parehas kung hanggang saan ang buhay natin. Kung kelan,saan, anong oras, matatapos ang ating buhay. Kaya dapat ay ineenjoy lang ito.

Hays, lumalabas nanaman ang other side ko, ang pagiging seryoso.

Babae ako, pero isa akong tripper. Malakas akong mang trip. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko na napagtripan si mama, e. HAHA! Oh, hindi ako masama ha! Kagaya nga ng sinasabi ko, ineenjoy ko lang ang buhay ko.

Kadalasan kong pinagti-tripan ay yung mga taong alam ko ang kiliti. Yung bang alam ko ang kahinaan nila. Masarap kaya gawin yun! HAHA!

Teka, mukhang mamaya pa darating si mama. At hindi nanaman ako makakapasok sa unang araw ko ngayon! Kagaya nalang nung nakaraang taon, ganito rin ang nangyare sakin. Hindi ako nakapasok ng unang araw sa eskwelahan ko. Reason? Malamang, wala si mama!

Makapunta nga muna sa Cr. Tinatawag nanaman ako ng kalikasan e. HAHAHA! oy wag ka! Mabango to, no. sa sobrang bango, pwedeng makapatay ng buhay na tao HAHAHA!

May dumi bang mabango?! Lahat yon mabaho! Ikaw, dumudumi ka rin, HAHA! Mabaho rin yan, noh! Kagaya nalang nung sakin HAHAHAHA! Apir tayo dyan!

1 hour ago.

Hayyyyy salamat at tapos na rin! Grabe yun ang haba! Nung palabas. HAHAHA akala mo naman kung anong mahaba no!? Oo, nanonood kasi ako nang kdrama habang dumudumi. Kaya nga natatagalan ako e dahil nanonood pa akong Kdrama. HAHAHAHA!

Hindi ako Kpop fan, wala lang. Mas gusto ko lang kasi yung Kdrama. Pero mas gustong gusto ko parin ang mang-trip! HAHA!! Masaya nga kasi!

Naka isang oras nanaman pala ako sa banyo. Buti nga hindi ako nakatulog. May time kasi na nakatulog ako habang nakababad sa tubig. May tv kasi kami sa Cr, nakadikit sa pader. Hulaan mo sinong nag pagawa nun? Edi si mama! Alangan ako, e wala nga akong pera! HAHAHA! Parehas talaga kami nyan ni mama ng mga gusto, maliban lang sa isa. Ang mang-trip. Dahil nga masyadong mabait ang nanay ko. Hays!

Nanonood rin ng Kdrama yan! Kaninong nanay yon? Malamang sakin! Alangan sayo! HAHAHAHA!

Boyish lang ako, pero hindi ako tomboy. Babae ako, pero mas gusto ko yung damit pang lalaki. Wala, diko lang trip mag damit pang babae. Pero hindi nga ako tomboy ha! Babae ako.

Teka, matutulog nga muna ako. Masyado akong pagod ngayong araw, wala pa man din akong ginagawa. Bakit ba, e pagod ako! May magagawa ka? HAHAHA! Bye! See u in my dreams!

N/A: sama-sama nating tuklasan ang buhay ni Angelique Sniper! Mag comment lang ng mag comment, libre lang yun. At please vote! Kung ayaw mong mapagtripan ni Snippy! HAHA!

 The Vampire's AcademyWhere stories live. Discover now