Maskara.

24 5 4
                                    

"Jo? Ayos ka lang? Kanina ka pa tulala dyan." nagulat ako ng may nagsalita. Ngumiti ako ng pilit.

"A-ah oo, ayos lang ako HAHAHA" nakangiti kong sabi.

"Nako, sino 'yang iniisip mo? Nako jo, luma-love life ka na ha." sabi niya habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko.

'Buti nalang hindi niya nahalata'

"Wala ah, wala akong iniisip. HAHAHA" sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.

"Nako jo, 'wag na 'wag kang magsisinungaling sa'kin. Kilala kita." sabi niya habang nakangiti sa'kin.

"Wala nga HAHAHA kung ano-ano 'yang iniisip mo." sabi ko.

"Oo na, basta kapag may jowa ka, sabihin mo sa'kin ha? Isu-support kita, promise." sabi niya habang naka-pinky swear. Nginitian ko naman siya at tumango-tango ako.

"Sige, balik na ako dun ha?" sabi niya. Nginitian ko nalang siya.

Bumalik na siya sa pwesto niya at nakipagdaldalan sa katabi niya.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"Jo?" nagulat ako ng may nagsalita. Si aki lang pala.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Uhm, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya.

'Bakit kaya?'

"Nag-uusap na tayo." sabi ko sa kanya at bigla naman siyang sumimangot.

"Joke lang, HAHAHA" sabi ko habang tumatawa.

'Peke lang naman 'yung tawa ko.'

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa labas ng room. Seryoso 'yung mukha niya.

"Hanggang kailan mo susuotin 'yang maskara mo?" tanong niya sa'kin. Bigla akong kinabahan.

'P-pano niya n-nalaman?'

"H-ha? A-anong maskara?" pinilit kong magmaang-maangan na para bang hindi alam ang tungkol doon.

"Hindi ka ba napapagod na suotin 'yan?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa'kin. Napangiti ako ng mapait.

'Isa.'

"H-ha? A-anong ibig mong s-sabihin? H-hindi kita m-maintindihan" sabi ko. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata niya.

"'Wag ka nang magsinungaling na hindi mo alam." Nakatingin parin siya sa'kin ng seryoso.

'Dalawa.'

"Alam ko na 'yung mga ngiti na bawat ibinibigay mo sa kanila. alam kong peke lang lahat 'yun." sabi niya habang seryosong nakatingin sa'kin.

Nangingilid na ang mga luha ko. Yumuko ako para hindi niya makita 'yun.

"Alam kong hindi ka talaga ayos. Alam kong marami kang problema." seryoso parin siyang nakatingin sa'kin.

"Kahit 'di mo sabihin sa'kin, alam ko. Tanggalin mo na 'yang maskara mo." seryoso parin siya.

Tinalikuran ko siya at naglakad papalayo. Bigla niyang hinila ang braso ko kaya napahinto ako.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

'Wala na.'

Hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang tuloy-tuloy ang pagdaloy sa aking mga pisngi. Ang sikip-sikip ng dibdib ko ngayon. Gusto kong sumigaw. Napangiti ako ng mapait.

'Wala na, wala na ang maskarang matagal nang nakalagay sa aking mukha.'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maskara.Where stories live. Discover now