Hello po I want to dedicate this to mingming19. I really love po your mala-poetry one shot ahaha.
This story po is somehow true to life. Kating-kati na talaga yung kamay ko itype ito eh. Sana po magustuhan niyo.
--------------------------------------------------------------------------------------------
Naging magkakaibigan tayo noong third year high school.
Ako, Ikaw at Siya idagdag pa natin yung Isa.
Napansin ko palagi kayong magkasamang dalawa.
Kayo yung laging nag-uusap,
At kami ni Isa ang laging nagkakasama.
Akala namin magkakadevelopan na kayong dalawa.
Yun pala hanggang akala lang, kasi hadlang ako sa inyong dalawa.
Hindi ko inakala na magkakagusto pala Siya sa akin.
Sapagkat lagi nga namin naiisip na kayo ang mas bagay na dalawa,
At hindi maiiwasan na magkaroon kayo ng nararamadaman para sa isa’t-isa.
Pero bakit naging ganun? Bakit ako ang naging gusto niya?
Ayan tuloy nagtataka ka na.
Sinabi mo sa akin noong fourth year highschool na tayo,
“Oo crush ko siya, matagal na.”
Hindi ko inakala na magkakagusto ka sa kanya,
Kasi ang alam ko, hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko,
Guilty ba ako o ano?
Ayoko lang kasi na nasasaktan ka ng dahil sa akin,
Nang dahil sa one-sided love na sinasabi mo.
Sa totoo lang, wala naman akong naramdaman para sa kanya,
Sobrang masaya na ako na magkaibigan kaming dalawa,
Okay lang din naman sa Kanya na Friends kami,
Hindi naman niya yun tina-take as negative sa buhay niya.
Pero minsan, mas inaasar mo at pinagpipilitan pa kami,
Ayan tuloy, halatang halata na nagseselos ka.
Sabi mo na nasaktan ka ng sobra noong nagpromposal Siya saakin.
Pasensya na, hindi ko pa kasi alam na gusto mo na pala siya.
Sabi mo nagseselos ka pag nag-uusap lang kami,
Pasensya na, kasi hindi ko pa kasi alam na gusto mo na siya.
Sabi mo, wala ka nang crush sa kanya,
Pasensya na, halata pa din na gusto mo pa siya,
Sabi mo masakit na at ayaw mo na talaga,
Pasensya na kasi, hindi ko masasabi ang feelings niya,
Kasi hindi naman ako kung sino para kontrolin na gustuhin ka niya.
Sabi mo, “Nag expect ako ng feelings na galing sa kanya.”
Pero sobrang Pasensya na kasi, ako pa rin ang gusto niya...