I'm just so sad.
Feel ko talaga "They are tired of understading me" na.
Maski naman ako eh, di ko na rin naiintindihan yung sarili ko.
Minsan naiintindihan ko yung situation.
Nag aAdjust.
NagsSacrifice.
Nag eEffort.
Acceptance.
Kaso bakit ang hirap kalabanin ang sarili ko?
Parang ako din lang yung gumagawa ng kalungkutan ko, yet I blamed it to them.
Bakit di ko maiwasang maging "Small minded"
Minsan, nagiging emotional ako pag di na nila ako nireplyan.
Nagagalit ako pag walang sumasagot sakin.
Pakiramdam ko wala akong halaga pag yung mga sagot nila ay napakawalang gana ang dating sakin.
Napapaisip din ako kung "Worth it" din ba ako sa kanila.
Oo, I know they will say "Yes" pero bakit ganun? Di ko ramdam. Sana patunayan nyo din naman.
Kase ako? Sawa at pagod na akong mag point out ng mga pagkakamali ko.
Galing noh? Kaya kong magpatawad ng wala man lang Sorry.
Ganun na nga yata pag mahalaga sayo yung tao.
Nakakalungkot ding isiping parang ako lang yung nagsasakripisyo (para sakin) there's a freaking 13hrs difference. Umaga nyo, gabi ko. Ako na yung nagaAdjust para naman makausap ko kayo pero inabot na ko ng parbangon kakahintay ngunit wala ni isang notification ko.
Maari nyong sabihing "nagsasakripisyo din naman kami ah!" Oo, you did. I'm very thankful that you did. Pero hindi ko gagawin yung ginagawa nyo sakin na pinaramdam nyong "Mamaya ka na, may gagawin pa ako, Istorbo ka." That's an indirect message from what you did. Siguro hindi nyo pa narRealize pero ganyan yun eh. Yan yun.
That's why I always doubt my value. You always contradict my opinion about my importance where in fact, kayo din naman yung reason kung bakit ganun ung nararamdaman ko in the first place.
BINABASA MO ANG
DITO NA LANG.
Non-FictionPara walang damdaming masaktan. Para walang taong matamaan.