Dakilang Ina

330 1 0
                                    

Isang maikling storya at pag papahalaga para sa aking ina.

Ang ina ay uunahin ang kapakanana ng kanyang anak bago ang kanyang sarili. Una sa kanyang listahan ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Lahat ay gagawin para maibigay ang gusto ng kanyang mga anak, makita lang na masaya ito. 

Swerte ka bilang "teenager" na magkaroon ng nanay na kasundo sa lahat a  susuportahan ka sa bawat decisyon na gagawin mo. Tulad nalang nang nangyari saakin ngayon. Ako ay nagmahal, nagpaka tanga, at nasaktan, at umaasa sa isang lalaki. Normal sa teenager  na dumaan sa estadong ganito. Masaki sa ina na makita ang kanyang anak na umiiyak. Tulad ng aking ina, siya ang nasasaktan para saakin. Pero kahit  masakit sakanya na makita ako, ay susuportahan niya pa rin ang aking decisyon basta maging masaya ako. 

Ipinagmamalaki ko ang aking ina dahil lumaki man ako nang siya lang ang gumagabay sakin, ay nakaya niyang gamapanan ang pagkukulang ng aking Ama saakin. Siya ang nagpakain at nagpalaki saakin ng maayos. Masaya ako na siya ang aking naging ina. At swerte ako bilang anak na nakakausap ko tungkol sa lahat ang nanay ko dahil alam kong maiintindihan niya ako.

Sa panahon ngayon marami na ang kabataan na hindi pinapahalagahan ang nagagawang sakripisyo ng kanilang magulang para sakanila. Bilang isang anak, sobra ang aking pasasalamat na magkaron ng nanay na tulad ng nanay ko. Hiwalay man sila ng aking ama, nakaya niyang gampanan ang tungkulin ng pagiging Ina at Ama saamin ng aking kapatid. 

Iba't iba ang ugali ng mga ina. Iba iba rin an paraan nila sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Pero ang pag-ibig ng ina ay iisa.... walang katulad at walang hangganan. Kaya't dapat mahalin a pahalagahan ang ating mga ina habang sila ay kapiling pa natin. Ipakia at ipadama natin sakanila kung gano natin sila kamahal. Tunay na dapat mahalin at pahalagahan ang ina dahil sila ay may malaking bahagi sa ating buhay. 

Sabi nga nila..... ang magkaron ng isang dakilang ina ay isa ng kayamanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dakilang InaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon