Lahat tayo ay may limitasyon ang buhay dahil pinahiram lang ito satin ng Diyos. May mga pagkakataong hindi natin inaasahan na mawawala na lang ang isa satin. Minsan hinihiling pa nating sumunod dahil sa hindi natin kayang mawala ang tao na iyon. Pero minsan may mga tao rin namang lumalaban para maipagpatuloy ang nasimulan ng taong nawala. Katulad ng storya ni Kristina.
Namatay ang mga magulang niya nung siya'y 9 na taong gulang pa lang. Sila ay naaksidente noong araw na iyon. Pero sa kanilang tatlo, siya lang ang nabuhay dahil isinakripisyo ng mga magulang niya ang buhay nila para lang mabuhay ang nag-iisang anak nila.
At halos 8 taon na ang nakalipas nang mangyari ang aksidente ay hindi pa rin niya matanggap ang nangyari. Tuwing uuwi si Kristina galing opisina niya, lagi siyang dumidiretso sa kwarto niya at humahagulgol ng iyak.
Oo, nagtratrabaho na siya pero nag-aaral din naman siya. Magmula 7:30 ng umaga hanggang 11 ng patanghali ang schedule ng kanyang pagpasok sa eskwelahan at ala-1 ng tanghali hanggang alas-8 ng gabi ang pag-oopisina niya. Siya na kasi ang namamahala ng business nila na itinayo ng mga magulang niya kasabay ng 1st birthday niya. At naalala niya pa ang sinabi ng magulang niya na pagdating ng panahon lahat ng pinaghirapan nila ay magiging kanya lang.
Kinaumagahan, pagpasok niya sa eskwelahan, nakita niyang inaabangan siya ng mga kaibigan niya. Napansin nila na matamlay na naman si Kristina. Pagkababa niya ng sasakyan niya, agad siyang nilapitan ni Paul. Si Paul ay isa sa mga hindi niya makasundo sa eskwelahan. Ngunit hindi niya ito napansin at nagdire-diretso lang siya sa paglalakad.
Pero nagulat siya ng bigla siyang hinatak. Sabi ni Paul na kailangan nilang mag-usap. Pumayag naman si Kristina dahil alam niyang wala siyang magagawa.
Nagtaka agad si Kristina nung biglang naging seryoso ang pakikipag usap ni Paul sa kanya at bigla siyang natauhan ng biglang sinabi ni Paul na gusto siyang maka-usap ng Daddy ni Paul sa hindi niya alam na kadahilanan. Ni isang clue wala siyang alam.
Sinabi ni Paul na pumayag na si Kristina sa gusto ng Daddy niya dahil nakakatakot daw ang Daddy niya kapag nagalit. Pumayag na si Kristina at pumunta na sa klase niya. Ganun din si Paul. May mga klaseng magkaklase silang dalawa.
Uwian na. Nag-ayos na ng gamit si Kristina para umuwi at pumasok naman sa trabaho.
Pagdating niya sa gate ng eskwelahan nila, nakita niyang inaabangan na naman siya ni Paul.
Inalok ni Paul si Kristina na ihahatid na siya sa opisina ng Daddy niya ngunit tinanggihan niya ito. Susundan niya na lang daw ito dahil gusto niyang mag biyahe mag-isa.
Bigla na lang naglakad si Kristina papuntang parking lot at naiwang nakatayo si Paul. Nagulat na lang si Paul ng may binulong ang isa sa mga kaibigan ni Kristina na hayaan muna siya dahil sa hindi pa nga nakaka-recover sa nangyari kahit 8 taon na ang nakalipas.
Dali-dali nitong sinundan si Kristina sa parking lot. Pasakay na si Kristina ng kotse niya ng bigla siyang pinigilan ni Paul.
Pinilit niyang sumabay sa kanya ngunit ayaw talaga nitong sumama. Papasok na sana ulit si Kristina ng kotse niya ng biglang sinabi ni Paul na kung naka-recover na nga siya sa nangyari ngunit puamsok lang ito sa kotse.
Binuksan ni Kristina ang bintana ng kanyang sasakyan at sinabi kay Paul na kung hindi pa sila pupunta doon sa Daddy niya baka magbago pa ang isip niya.
Sumakay na rin si Paul sa sasakyan.
Pagkatapos ng 30 minuto, narating na rin nila. Agad-agad bumaba si Kristina kaya natarantang bumaba si Paul.
Nilapitan niya si Kristina at humingi ng tawad sa nasabi niya kanina kaso pinutol na ni Kristina at sinabing kalimutan na nila yun dahil ayaw niya munang alalahanin iyon at gusto niya nang maka-usap ang Daddy nito.