Pangarap ng Bituin

253 6 2
                                    

a couple of weeks from now is BER month already and we can hear a Christmas carol from radio stations and even a countdown from the television stations.

This story was happened in the life of Dianne when she decided to leave the limelights and enter into the world of a family life with Ariel.

Madilim pa ang isang umagang magbabadya ng isa na namang araw na haharapin ng mga nilalang sa mundo para makipagbuno sa buhay. Pero gising na si Dianne para asikasuhin ang kanyang pamilya, nakasanayan na niya itong gawin simula nang naging asawa niya si Ariel, 

Pero hindi ito ang kanyang pangarap sa buhay, nasa kasikatan siya noon sa Star Cinema nang siya ay mabuntis ni Ariel, at kasabay noon ang pagtamlay ng sinag ng kanyang bituin. Pero wala siyang magawa, mahal niya ito at kailangan niya itong samahan sa habang buhay.

May kung ilang taon na rin niya itong ginagawa sa tuwing araw na may pasok ang kayang dalwang anak, si Alvin nasa ikalawang taon na sa sekondarya at si Arianne naman ay nasa ika-anim na baitang. ang kanyang Asawang si Ariel ay isang legman sa isang at hindi naman kalakihan ang sahod nito, sa katunayan kung minsan kulang pa ang sahod nito para sa kanilang pang-gastos sa araw araw.

Sa isang maliit na bahay sila nakatira, at taliwas ito sa kanyang mga pangarap, ang kanyang inaasam noon ay tumira sa isang mansiyon na maraming mamahaling kasangkapan sa bahay, maraming mga utusan at higit sa lahat ang mga magaganda at mamahaling mga damit, sa katunayan hindi na niya maalala kung kailan siya bumili ng isang bagong damit, dahil ang kanyang mga anak ang kanyang inuuna, sa mga pangangailangan nito.

napaupu si Dianne sa isang sulok habang hinihintay na maulto ang kanyang ihahain sa pamilya, nakita niya ang kanyang sarili mula sa isang salamin na nakasabit sa dingding na di kalayuan sa kanya. Nahabag siya sa kanyang sarili. Naalala niya ang kanyang nakaraan, isag glamorosa, tinitilian at isang sumisikat na artista. Pero ito siya ngayon, nag titiis ,gusto niyang maluha sa sobrang habag sa sarili.

Napansin niya ng kanyang mga kamay, nag uumpisa nang tumubo ang mga mumunting ugat, senyales ito ng pagka pasma, sino ba naman ay aasahan niyang maglaba, mamalantsa, maglinis at magluto sa araw araw. Kung hindi sana siya nabuntis at umibig di sana siya nagkaganito. 

Pinunasan niya ang kayang luha nang narinig ang boses ni Alvin mula sa kanyag likuran. Lumapit ito sa kanya at binati siya nito ng magandang umaga " Nay magbabayad na po kami ni Arianne ng tutuion malapit na po ang exam" ang sabi sa kaya ng anak. Biglang sumakit ang kanyang ulo nang narinig ang sinabi nito, kailangan na naman niyang lumapit kay Khumar para kumuha ng 5/6 para sa pangmatrikula ng kanyang mga anak.

Nagising na rin si Arianne at si Ariel, humingi din ang kanyang bunsong anak pera para sa project nito, ibinigay niya sa anak ang hininging pera pero napaisip siya na kakapusin na naman siya sa kanyang budget. " May pera ka pa ba dyan? bayaran na naman na eskuwelahan ng mga anak mo" ang tanong nito sa asawa " Titingnan ko mamaya kung makakahiram ako ng pera kay pareng Joshua"  humalik sa kanya ang kanyang mga anak, pati na din ang kanyang asawa at nag paalan na ang mga ito.

Di maiwasang di siya maaburido sa sitwasyon ng kanyang buhay. ilang beses na rin niyang nabulyawan ang kanyang mga anak, napagalitan dahil sa paghingi sa kanya ng mga ito ng pera. ilang beses na din niya sinumbatan si Ariel dahil sa hirap ng buhay na kanyang tinatamasa. " Lecheng buhay ito oo, magsikap ka naman Ariel, mamamatay tayong dilat ang mga mata" ang palagi niyang sumbat sa asawa. Ilang beses na rin niyang napalo ang kanyang mga anak dahil sa pangungulit ng mga ito sa kanya . 

Gabi sa kanilang hapag kainan, " Nay malapit na po ang pasko gusto ko po ng bagong sapatos luma na po kasi ang sapatos ko" ang sabi ni Alvin " ako naman tatay gusto ko ng bagong damit. isusuot ko po sa christmas party namin" ang sabi naman ni Arianne. Hay naku dyan kayo sa magaling nyong ama humingi wala akong pera. Sabay tayo ito sa hapag kainan at pumunta sa kusina. Masakit man sa kanyang damdamin para sa kaya kailangan niyang gawin ito ang magparinig as asawa, ang magmaktol dahil sawang sawa na siya sa ganitong buhay.

Pangarap ng BituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon