Marami nang days ang lumipas at 1 week na lang ay pasukan na naman, pero di na kami nagkikita ni Ann, dahil nga pagnalaman niya yung nangyari sa akin ay baka iwanan niya na ako..
"Nandyan po ba si Lyks?""Ay Ann, tulog pa eh. Balik ka na lang mamaya ha."
"Okay po, thanks"
Palagi na lang kaming nagpapalusot ni mommy para di na siya lumapit sa akin. Ang hirap dahil siya yung una kong friend tapos lalayuan ko siya, ayaw ko lang naman na magalala siya sa akin, baka kasi iba ang magiging kalabasan
Isang araw na kausap ko ang Mommy ko...
"Ano ba Lyks? di ka ba makaintindi? di mo nga sya pwedeng makausap o makita! dahil nga dyan sa sakit mo!!"
Habang sinabi ni Mom sakin yun, di namin alam na nasa pinto lang pala si Ann...
"Gusto ko lang magpaalam Mom, siya ang naging una kong kaibigan simula nung lumayo ako dahil dito!"
"Di mo ba narinig ang sitwasyon mo? Uulitin ko ang sabi ng doctor malala na yang sakit mo!"
"A-anong sakit, Lyks?" (whispers)
"Alam ko na baka isang araw di na ako magising sa sakit ko! Alam ko po iyon!"
"A-anong di na magising? i-ibig sabihin may Narcolepsy nga siya" pagbulong ni Ann sa sarili.
Napatakbo na lang si Ann sa narinig niya pero patuloy parin ang pag-aaway namin ng nanay ko. Ang gusto ko lang naman ay makasama sila bago mangyari ang ayaw naming mangyari.
Kinabukasan pasukan na naman...
" Good Morning Ann!!"
Di ako pinansin ni Ann, nagtataka ako kung bakit..parang may mali di ko alam kung ano.. sana hindi niya pa alam...
Hapon na at hindi ko parin nakakausap si Ann... isang oras nakita ko sya at nakausap at dun ko nalaman na nalaman niya na pala pero paano?
"Alam mo nung nag-away kayo nang mommy mo?"
"Nandun ka ba nun?"
"Kakatok sana ako nang may narinig akong may sumigaw, narinig ko lahat Lyks! LAHAT! bakit hindi mo sinabi?! alam mo palagi ka na lang nagtatago ng sikreto"
"A-ann a- ano..."
"Lyks, sorry di muna kita kayang makausap ngayon, sorry"
Ayan na, nagsimula na siyang mawala...wala na naman akong kaibigan
Lumipas ang ilang mga araw umatake na naman siya.. Nabalitaan iyon ng lahat ng kaklase, schoolmate, teachers, parents at lahat nang may kilala sa akin especially si Ann..
Ang sitwasyon ko ngayon ay Malalang Malala na.. halos di na ako magising tulog na tulog... lahat nag-iiyakan na..meron na akong dextrost sa ilong, di na ako dumidilat pa, kahit ganoon naririnig ko parin kahit papaano ang kanilang mga boses.
"Anak, lumaban ka" sabi ng Mom ko
"Lyks, wag mo kaming iiwan" mga salitang binabanggit nang mga kaibigan ko
"Lyks, sorry, please wag kang mawawala!! Lyks, balikan mo kami" Si Ann
Iyon ang mga salitang naririnig ko pa kahit half-deep sleep na ako........Pero bigla na lang.............................................................................................................................................................................
.....................................................................................................................................................................................
....................................................................................................................................................................................
Bumigay na ang katawan ko.......di na ako nadilat muli... lahat ay nag-iiyakan at wala na.. wala na ako...