Mahirap na nga ang iwanan ka tapos magmumukmok ka pa diyan, himutok na hinaing ng kaibigan kong si Lalaine.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang inilalapag sa higaan ko ang tray ng pagkain na hinanda niya para sa akin.
Ilang buwan na ba ang lumipas? ay mali! ilang taon na ba ang lumipas simula ng iniwanan niya ako para sa pinakamimithi niyang babae.
Masakit isipin ang bawat araw, buwan at taon na wala siya. Yung taong naging buhay ko pero sa huli mas pinili pa ring iwanan ako.
Ako nga ba talaga ang nagkulang? Wala akong ibang ginawa kundi paluguran ang lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya.
Napahinto ako sa pagiisip ng pisilin ako ni Lalaine sa aking braso.
Aray naman! Bakit ka ba nangungurot ha? Kita mo namang nag-eemote ako dito diba? pasigaw na sabi ko sa kanya sabay bangon.
Paano po ba naman kasi tulala kana naman diyan. Hindi ka pa ba nagsasawa kakaisip sa hinayupak na lalaking yun. Walang kakwenta-kwenta ang lalaking ganun. Ilang ulit ko pa bang ipagsisiksikan yan sa makitid na kukoteng yan. Wait, baka naman gusto mo ulit mabatukan diyan? O ano? nakalapit na ito sa akin at nakaamba na sana akong babatukan ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Ate, ano ba naman kayo ke aga-aga ang iingay niyo, sabi ng nakakabata kong kapatid na si Aina habang nagkakamot sa ulo niya.
May naghahanap pala sayo diyan sa labas. Pinapababa ka na ni mama at mukhang may importanteng kailangan sayo.
Habang lumalabas ng pintuan ang kapatid ko napaisip ako kung sinong lalaki ang maghahanap sakin sa ganitong oras ng umaga.
BINABASA MO ANG
Long Lost Love
RomanceUmibig kana ba? Nagalit? Naging sakim sa pagmamahal ng iba? Nang-agaw ng pagmahahal na hindi naman dapat nakalaan sayo? Marahil katulad ko ay naging ganyan ka rin ng ikaw ay nagmahal at ng ikaw ay iwan. Mahirap mang-iwan pero mas masakit ang maiwan...