Chapter 8: Overnight

10 3 0
                                    

Chapter 8

Tom's POV

Pagkabasa ko ng text ni Colette ay masasabi ko ngang SMALL WORLD mga pare mga boi mga bro mga par at ako'y titigil na!😂

Hay nako nagtatampo ako kay Daniella alam nyo kung baket? tanong nyo muna kung baket

Oh ako na sasagot mapahiya ka pa eh oh baket?

Kasi nga kinalimutan nya kami kaagad pinalitan nya kami ng bestfriend tapos di man lang sya nagparamdaman sa amin yun pala eh may iba na syang kaibigan. Sadlayf😔

Ah ok, share mo lang

Sama mo naman imbes na pakalmahin at pasayahin mo ako eh ginaganyan mo na 'ko

Ano ka babae para saan pa ang bro code natin ha?

Hoy para naman may impormasyon ka eh hindi ako bakla hindi din ako babae bakit babae lang ba ang pwedeng magdrama? Babae lang ba ang pwedeng pakalmahin? Huh tsaka hindi porket nagdadrama ang lalake ay bakla na kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon ang mga lalake ay malalakss dahil ang isang lalake ay tao lang rin naman may nararamdaman

Hige ipagtanggol natin ang mga lalake na madrama kasama ka na dun hahahaha

Manahimik ka ngang unggoy ka oo alam ko dapat hindi sinasaktan ang mga hayop pero baka magkaroon tayo ng exemption

Bro wag naman ganyan oo na tanggap ko nang unggoy oo unggoy na pogi kaya wag naman oh baka mawala yung mga chix ko eh

Manahimik ka kalandi mong lalake ka

Ok sabi mo eh

Eto pa isa dahil kanina pa ako nanonood sa kanilang dalawa ay nasasaktan na ako kasi parang kinikilig si Colette ko eh. Oo na hindi ko na sya pag mamay-ari kaya tatanggalin ko na ang word na 'ko' at syempre wala kayong pakielam dun

Maitext nga muna si Colette para naman mawala yung pagkabored nya sa loob ng room alam ko kasi na ang pinakaayaw nyang subject ay history kasi nga daw nakaraan na kailangan pa daw bang balikan grabe hano humuhugot eh

To: Colette Besty👧

Ah ganon ba oo nga small world eh ano ba pangalan nyang lalaking yan ha?

Sent..

Diba ang ganda ng nickname namin sa message pero yaan nyo balang araw magiging 'Colette Baby' na yan o kaya ' Colette Mahal' diba pinapaasa ko lang yung sarili ko eh😞

*BZZZ!*BZZZ!*

From: Colette Besty👧

Ah yun ba si Ken Langford jusko ko po ang pogi nya gusto ko na sya pero mahal ko na rin sya bilang kaibigan kasi nga kaibigan natin si Daniella kaya kaibigan narin natin sya. Kaya mahal ko lang sya bilang kaibigan kasi may minamahal na ako siguro mga nung isang linggo ko lang narealize😉

Mga pare pwede na ba akong maglaslas? OA ba kung OA dahil ayaw kung mapunta sa iba ang taong minamahal ko. Korny na kung korny kayo ba gusto nyong napupunta sa iba yung taong mahal nyo diba hindi ang sagot nyo kaya syempre ako tong si gaya-gaya kaya ang sagot ko ay hindi rin.

To: Colette Besty👧

Weh eh sino ba yung minamahal mo? Huh baka mamaya eh panget yan eh nako mag-ingat ka talaga aking munting kaibigan

Sent...

Syempre kailangan kong malaman para kung hindi man ako yon eh pagbabantaan ko na yung taong yon syempre ayaw kong masaktan sya noh

*BZZZ!*BZZZ!*

From: Colette Besty👧

Syempre secret ko na lang yon kailangan may unting privacy din tayo hehehe

Friendship or Love? (FOL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon