buko 3

555 26 2
                                    

TAP'S POV

"San mo ba talaga ako dadalhin Shan?"tanong ko sa bestfriend ko kasi bigla bigla siyang nag aya na mag merienda sa labas.

"Basta..Hindi ka magsisisi pag na try mo yung buko juice nila dun."sabi naman ni Shan na patuloy parin sa paglalakad.

"Buko juice lang pala friend bakit hindi nalang tayo sa canteen bumili?Sayang effort oh."sabi ko naman.

"Sige magreklamo ka pa.Sure ako na kakainin mo yang mga reklamo mo na yan pag natikman mo yun."sabi naman niya.

Nagtataka talaga ako kung pano ko naging bestfriend tong Shan na to.Hindi naman kami magkaparehas ng ugali..Magkaiba naman trip namin..Isa lang ang naiiisp kong sagot..Kasi hindi ako katulad ng dati niyang kaibigan...Si Rica..yung malditang ahas na yun! Ay syet lang! Gustong gusto kong sabunutan yun pag nakikita ko e.haist!

"Andito na tayo."sabi ni Shan nang mapatapat kami sa isang class na buko house.

"Hmm....Infairness Shan...Medyo sosyal tong buko house na to ha."sabi ko naman.

"I told ya."sabi niya at nauna ng pumasok sa loob at dumiretso na siya sa counter.

"Hi!Shan right?"nakangiting sabi na nung babae sa counter.Wow..Kilala na agad si bes dito???Ayos ah.

"Hello Kailla..Kailla eto nga pala ang bestfriend ko..Si Taps."sabi ni bes.

"Hi Taps!"masiglaang sabi nung girl na Kailla ang pangalan.

Napaka energetic naman nitong babaeng to..

"Hello"sabi ko nalang.

"So Shan..Gusto mo na bang i try yung buko pandan pearl shake namin?"tanong ni Kailla.

"Sure.Dalawa para samin ng bestfriend ko."sabi naman ni Shan.

"Okay!"nakangiti paring sabi ni Kailla.

 

after ng ilang minuto..

"Heto na.."sabi ni Kailla.

"Thanks Kailla."sabi ni Shan.

"Next time yung buko milk shake naman.."sabi ni Kailla.Wow..Ayos din talaga tong girl na to..Mabilis mag promote.

"Sure.Next time."nakangiti namang sabi ni Shan...Iba ang dating ng buko house na to kay bestfriend na..Napapadalas na ulit ang pag ngiti niya..Nice!

Nakalabas na kami ng buko house at dun ko palang tinikman ang shake na hawak ko..

mmm......

ang sarap!!!

"Shan!!Ang sarap naman neto!"sabi ko.

"Sabi sayo e."sabi naman ni Shan.

"I have an idea..."sabi ko.

"Ano namang idea yan?Siguraduhin mong maayos yan ah."sabi naman niya.

Grabe ha.makapang insulto tong bestfriend ko parang di ako love! haha..

"Bakit hindi tayo tumambay dun everyday para gawin yung thesis natin?"tanong ko.

"Sus..Ginagawa ko naman yan..Kaya mas maaga akong dumarating sayo sa school no.Tumatambay muna ako dito ng umaga para mag refresh..."sabi ni Shan.

"Eh bakit now mo lang ako inaya dito bes??Andaya mo ha."sabi ko.

"E malay ko bang gusto mo rin..Late ka kaya palagi."sabi naman niya.

"Aww!!I bulgar ba naman ang gawain ko bes??Kaka touch ka ha!"natatawa kong sabi.

"Kung gusto mong tumambay din dun agahan mo."sabi niya.

"Yes! I'm sure I will! ANg sarap neto e."nakangiting sabi ko. :)

PENGE NG BUKO JUICE! [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon