I'm Tired

88 2 0
                                    


Naranasan mo na bang lokohin?

Kasi ako? Oo

Minahal ko sya ng sobra noon na umabot pa sa pagkumbinsi ko sa mga magulang ko na ipakasal kami...

Galit na galit sya noon dahil ayaw nyang mag pakasal sakin, hindi nya naman daw kasi ako mahal..

But, i was persistent. Ginawa ko ang lahat para maikasal kami at nangyari nga, sabi ko sa sarili ko 'matutunan nya rin akong mahalin, ipaparamdam ko sa kanya ang pamamahal ko para mahalin nya rin ako' pero bakit ang hirap makuha ng pagmamahal nya?

Hindi ba talaga ako kamahal mahal? Ginawa ko naman ang lahat, pinagsilbihan ko sya at inalagaan. Hindi naman ako nag kulang pero bakit di nya parin ako magawang mahalin..

He always cheat on me at hindi nya talaga tinatago iyon, dinadala nya pa nga sa bahay namin at sa mismong kwarto namin sila gumagawa ng milagro, wala na akong magawa kundi ang umiyak. hanggang sa isang araw parang normal nalang ang lahat, hindi na masakit. Namanhid na ako, at maubos na ang pagmamahal ko, said na said na..

I'm TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon