My Crazy love life <3 chapter 1 to 5

3.6K 18 9
                                    

PROLOGUE:

"SAABBOOOOOOGGGGGG.... I can't take this anymore! Bakit siya ganon? Ano bang ginawa kong masama sa kanya para magawa niya kong saktan ng ganito? " T____T  Iyak sabay punas niya ng kanina pang nag-uunahan sa pagtulong sipon.

"Sabog, tahan na. Lalake lang yan, huwag mong iyakan"  Hinimas ko ang likod niya to make her calm. Kanina pa kasi bumabaha ng tisue dito sa kwarto ko dahil sa kangangawa ng baliw na bestfriend ko. 

"Eh masakit talaga eh! Hindi ko na yata kaya! Hindi mo kase ako naiintindihan, kasi hindi ikaw ang nasaktan, hindi ikaw ang niloko, hindi ikaw ang iniwan!" Sigaw niya sakin habang rumorolio ulit ng tisue sa hawak niyang toilet paper. Naubos na niya kase yung tatlong box ng tisue ko dito sa kwarto at hindi parin siya natigil sa kangangawa niya kaya ayan at ang toilet paper sa banyo namin ang ibinigay ko.

"Ang sabi niya mahal niya ako, pero kagaya lang din pala siya ng iba, manloloko."

Iyak parin siya ng iyak at sa sobrang inis ko sa kanya hindi na ako nakapag pigil at ...

BOOGS!!

"ARAY KO! Ano ba, bakit mo ko binatukan?"

"Eh ang tanga mo ei. Ang bobo mo! Grabe lalake lang, iniiyakan mo ng ganyan!"

"Eh syempre mahal ko"

"Mahal mo? AGAD AGAD? ganun kabilis?  Naririnig mo yang sarili mo? "

 Jusko lang lord. bakit ba sa dinami dami ng babaeng magiging kaibigan ko bakit naman itong  baliw na ito pa ang ibinigay niyo? Gusto niyo na po bang mapaaga ang buhay ko?

Paano ba naman hindi iinit ang ulo ko ei iniiyakan nya lang naman ung ex boyfriend nya na na-meet nya lang sa isang text clan at naging sila for 4 days. Diba over naman talaga 'yun? Tapos sasabihin nya gusto na nyan mamatay! Papatayin ko talaga siya pa di pa sya tumigil sa kaiitak nya dahil nauubos na ang tisue sa bahay ko. Yung sa CR nalang sa kwarto ng mga magulang ko ang natitira. 

By  the way, let me introduce my self. Ako nga pala si Chelsie ang bestfriend/kapatid/bebe GF nyang si Sabog. We've been friends simula grade two kaya kabisado ko na yang loka lokang babaeng yan at ako na ang nag sasabi sa inyo. Hindi in love yan!

 (Ezeia's POV)

Hoy Chelsie, loka-loka ka, bakit mo ko sinisiraan sa mga readers? wala kang kwenta, tsupy nga dyan!

Hi! ako nga pala si Ezeia at kwento ko to, kaya wag nyong pinag papapansin yang epal kong bestfriend. haha..

Alam nyo ba yung feeling ng broken hearted? (Malamang)

Yung feeling na malaman mong pinaglaruan ka lang ng taong mahal mo?

Diba masakit yun? Kaya nga ganito nalang ako kung umubos ng tisue.

Kahit na sandali ko lang sya nakilala, minahal ko na sya!

Atsaka babayaran ko naman lahat ng tisueng ginamit ko. 

Pero on Second thought. Feeling ko hindi ko naman talaga siya minahal.  Don't get me wrong ha?  hindi ko lang  talaga alam kung mahal ko ba talaga sya  o gwapo lang talaga sya kaya iniiyakan ko sya.

Baliw na kung baliw.  Masasanay din kayo.

Isa lang naman kase ang lalakeng alam kong minahal ko. Yung talagang alam ko na mahal ko hindi lang dahil gwapo siya. kaya nga lang never akong nagkalakas ng loob na sabihin sa kanya dahil alam ko naman na wala siyang pag tingin sakin. kontento na ko na friends lang kame, kase baka pag sinabi ko pa, baka pati yung friendship na yun mawala pa :(

Syempre hindi ko naman hahayaang mangyari yun. Masaya na kong malaman na masaya siya at kung hindi ako magiging bahagi ng kasiyahan nya, ok lang. Basta ang alam ko, MAHAL KO SIYA!!

My Crazy love LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon