Ako nga pala si Niel. Simpleng babae, hindi kagandahan, mahirap, hindi na nakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay, Buo ang pamilya. Pero may hinahangad akong buhay, yung buhay na mayaman kami, nakapag-aaral, at lahat ng gusto ko makukuha ko. Pero isang malaking panaginip na lang ata iyon eh.
"Niel bumangon kana dyaan at maghanda kana ng almusal, Papasok pa ang mga kapatid mo!" sigaw ni mama na naglalaba sa baba. Hay sana ako din nakapag-aral.
"Opo baba na po!" Nakatira kami sa iskwater. Sa pinag tagpi-tagping mga yero at kahoy gawa ang aming bahay.
"Ma! wala na po tayong bigas!" Ayan nag-kakaubusan na naman kami ng makakain. Problema na naman namin kung saan kami kukuha ng pambili ng bigas at ng delata.
"Umutang kana muna kila Aleng Marta mo ng 1kilo ng bigas at isang delata ng Sardinas!" Utang na naman. Hindi pa nga namin nababayaran yung inutang naming bigas nung nakaraang linggo eh.
"Utang na naman po?" Kung nakapag-aral lang sana ako, Edi sana nakapag ta-trabaho na ako ngayon
"Ay anong gusto mong gawin natin? Magnakaw. Hala sige na at umutang kana!" Ang hirap kasi maghanap ng trabaho kung wala ka namang pinag-aralan. Kung yung mga Highschool at College graduate di makahanap ng mapagta-trabahuan, Ako pa kaya na wala namang pinag-aralan. Hay!
"Mangangalakal na nga lang ako. Mahirap mangutang!" Agad ko naman kinuha yung sako na nakatago dun sa ilalim ng lamesa namin.
"Ate! Saan ka po pupunta?" tanong sa akin ni Crystel. Kapatid ko, Pangalawa sa panganay. Sa madaling salita sunod sa akin. Sya ang inaasahan ng pamilya namin dahil sya at si Enjay lang ang nakapag-aaral sa aming limang magkakapatid.
"Mangangalakal muna para may makain tayo! Mag-asikaso kana, mamaya uuwi ako na may dalang bigas!" Agad naman akong umalis. Sana marami akong makuha
Habang naglalakad ako may nakita akong isang pamilya na nag pi-picnic, bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Sana ganyan din kami kasaya, Buo nga ang pamilya namin pero hindi naman masaya. Meron naman akong nadaanan na isa pang pamilya, May magarang damit, mga alahas at kung ano ano pa. Pero makikita mo sa mukha nila na may iniindang kalungkutan.
"Mommy, pano po iyan? Hindi na ako makikita ni Daddy pag grumaduate na ako!" malungkot na sabi ng bata. Kaya pala.
May mga magagara nga silang mga damit at alahas, sa isang salita. Mayaman. Pero hindi naman sila kumpleto, Malungkot. Kami kumpleto ang pamilya kaso hindi mayaman. Lumipas ang isang oras ng pangangalakal ko.