in! Tin! Please. Tin, wag kang bibitaw.
Ang boses na yon. Ang nakakakalmang boses na yon.
Napansin ko ang braso ko. Tinitigan ang sugat kung saan nagmumula ang pagdaloy ng masagang dugo.
Tin! Gumising ka na.
Nilingon ko ang pinag-gagalingan ng boses. Unti-unting nagkaroon ng liwanag ang direksyon na iyon.
Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Wala na ang kanyang ngiti. Napapikit ako ng mata.
Nabasag ang salamin na nasa harap ko. Nagkalat ang mga piraso.
Tin!
Lumuhod ako at pinulot ang isang piraso ng basag na salamin. Muli kong tinitigan ang sarili ko.
Ngingitian ko na lang ang pagkakataong ito.
Patawad. Pero...hayaan...mo...na lang akong matulog...magpakailanman....