“Kung kaya nilang mga lalaki kaya din naming mga babae.”
“If you can beat them join them.”
Ang motto ni Rei mula umiwi siya galing sa Japan.Since Grade 1 hanggang 1st year high school doon kasi siya nag aral kasama ng mga magulang niya.Pero kahit ganun mag kasundo parin sila ng Kuya niya at mahal na mahal nila ang isat-isa.
*School
Ms.Tanagaw what is the formula of Distance?
“Princess gising tinatanong ka ni Ms. Alijandro” yugyog sakin ng katabi ko habang natutulog ako.
Agad kung tinapik ang kamay niya habang tumatayo at kinusot ang mga mata ko“Distance is equals speed over time” sagot ko na naiinis.
“Ms. Tanagawa alam kung matalino ka pero sana wag ka namang matulog sa klase ko! Be a good example to your classmate rank 1 kapa naman sa clase tapos natutulog ka lang”.
“Ma’am hindi lang po sa clase nyo ako natutulog sa lahat naman ng subject pwera lang sa P.E”sagot ko habang naglalakad papunta ng pinto.
“Ms. Tinagawa where are you going?”- Ms.Alijandro
“Going Home! Coz it’s 4pm and it’s dismissal time ”sagot ko
“Okey class bag-o kayo umuwi may meeting kayong lahat with the 3rd year student nang Harrison Internation High School 1pm sa gym nila bukas lahat dapat ay umattend dahil may important matter tayo na pag-uusapan “ -Ms.Alijandro
Agad-agad na sumigaw at nag kwentohan ang mga kaklase ko.Nabalot ng ingay ang loob ng classroom .
“OKEY CLASS DISMISS” sigaw ni Ms.Alijandro sabay labas ng klase
“OMG bakit kaya tayo may meeting sa Harrison International High School(HISH) diba All Boys School yun?” sabi ni Beth habang kinikilig
“Dba doon nag aaral ang GANG na BLACK STAR lahat sila gwapo at yummy”-Dorren
“Oo nga dba 9 sila kaso yung leader nila graduate na at ang isa naman hindi yata don nag aaral BLACK STAR at taga HIHS lang nakaka kakita sa kanya.-Gina
“Pero sigurado ako gwapo din ang yun at yummy”-Dorren
“Pero gwapo daw yung bagong leader nila na si Cyril yun yung may-ari ng school nila.Gwapo na mayaman pa”-Gina
“Magpapasalon ako ngayon para bukas maganda ako sa meeting” sabi naman ni Alex
“Magshoshopping ako nang susoutin ko para bukas”sabi naman ni Kate na gumising sa akin kanina
“Oh Princess saan kapupunta? Mag shoshopping ka rin ba? tanong ni Kate
“Ako mag shoshopping para saan? Pupunta ako sa gang ko baka umiinum na naman sila na wala ako” sagot ko
Alam ng buong school na may gang ako kaya nga takot ang lahat sa akin kaso hindi nila alam kung anu ang pangalan ng gang wala kasi akong matuturing na friend sa kanila puro maarte at walang kwentang kausap.Sumali ako last year sa gang ni kuya na siya ang leader at founder ng gang dahil board at wala akong kaibigan dito sa pilipinas at kahit ayaw ng kuya ko wala naman siyang magawa hindi niya ako kayang tiisin.
“Para ka talagang lalaki Princess may gang ka at palagi mo pa silang kasama na umiinum for sure mga walang kwenta din sila gaya mo hahahaha”-Kate
Sinipa ko ang upuan sa harapan ko sabay sigaw “Ako lang siguro ang walang kwenta na Top 1 sa clase at Pakialam mo B*tch”
Mangiyak ngiyak si Kate na umupo.Tumahimik ang lahat habang nakatingin sa akin na umaalis ng klase.
Pumunta ako ng parking lot at sumakay sa sports car ko na bagong bili.Agad kung pina andar ang sasakyan at mabilis kung pinatakbo papunta sa condo ng bagong Leader ng gang.Kinukulit ko nga si kuya na ako na lang sana ang bagong leader total mag kapatid naman kami pero ayaw niya dahil baka daw pag tawan ang Black Star ng ibang gang na ang Leader nila ay nag aaral sa MIHS.