Chapter 1

408 11 1
                                    

Magkokolehiyo na nun si Denise pati ang kanyang boyfriend na si Harley. Si Harley ay may kaya samantalang si Denise naman ay sapat lang, hindi mayaman hindi rin mahirap. Pareho silang nakapasa sa isang sikat na unibersidad ngunit alam ni Denise na malabong makapag-aral siya doon dahil bukod sa malayo ito sa kanyang tinitirahan ay medyo may kamahalan din ang tuition fee doon. Dahil ayaw ni Denise na malayo sa kanyang boyfriend naghanap siya ng unibersidad na malapit sa papasukan ni Harley.

Magpapasukan na nun, sabik na sabik si Denise dahil naiisip niyang makakasama niya ang kanyang boyfriend tuwing papasok sa eskwelahan at sabay silang uuwi tuwing uwian. Maagang nagsimula ang klase nina Harley kaya nauna itong pumasok sa eskwelahan habang si Denise naman dalawang linggo pa ang kanyang hihintayin para sa kanyang pasukan.

Binibilang niya ang bawat araw na lumilipas, palapit ng palapit sa unang araw ng kanyang klase, unang araw na magsasabay sila ni Harley pumasok sa eskwelahan. Isang linggo nalang ang kanyang hihintayin, medyo matagal pero handa siya magtiis at maghintay. Ngunit, bigla nalang hindi nagpaparamdam si Harley sa kanya. Madalang na mag-text. Iniisip ni Denise na baka busy lang siya dahil unang taon nila ito sa kolehiyo at malamang ay nagaadjust pa si Harley.

Tatlong araw nalang at magpapasukan na si Denise, excited na talaga siya. Gabi nung araw na yun, biglang nagtext sa kanya si Harley.

"Denise, may sasabihin ako sayo."

Ano kaya sasabihin niya sa akin?  Yan ang tanong na nasa isip ni Denise nung mabasa niya ang text ni Harley. Kumabog ang kanyang puso na parang hindi siya makahinga ng maayos. Nagiisip si Denise kung rereplyan ba niya si Harley o magkukunwari siyang nakatulog na.

"Denise?" Text ulit ni Harley.

naisip ni Denise na dapat niyang replyan na si Harley. "Yes babe? Ano un?"

Maya-maya ay nagring na ang cellphone ni Denise, nagreply na si Harley. Kinakabahan siyang i-open ang reply ni Harley sa kanya. Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya ang mababasa niya o hindi.

"Wag ka sana magagalit."

Ano ba yun? Ano ba talaga gusto niya iparating sakin. Hindi ko maintindihan. Hindi ko talaga maintindihan.

"Sige, hindi ako magagalit. ano ba kasi yun? Pinapatagal mo pa masyado." Sagot ni Denise sa reply ni Harley sa kanya.

"Im SORRY pero nakikipagbreak na ako sayo Denise. Magiging busy na tayo at dadating ang panahon na hindi na tayo magkakaroon ng oras sa isa't-isa. Im sorry talaga. I LOVE YOU. at sana maintindihan mo. Sorry Denise"

Napaluha si Denise. Ano?! Bakit biglang ganito?! Gumawa ako ng paraan para lang mapalapit sa kanya tapos bigla niya akong iiwan? bakiiit??? BAKIIIIT??!!! Hindi tama to!!!!!!

Galit na galit si Denise. Hindi niya alam kung bakit biglang nagawa ni Harley yun sa kanya.

May nagawa ba akong mali? Bakit mo to biglang ginawa sa akin Harley? Magpapasukan na. Magkakasama na ulit tayo. Bakit hindi mo hinintay yung araw na yun? 

Iyak ng iyak si Denise sa kanyang kwarto. Parang ayaw na niya pumasok. Wala na siyang dahilan para pumasok pa sa unibersidad na yun. Yung sabay sila papasok at uuwi, wala na ang lahat ng yun. Mag-isa nalang siya, magisa siyang papasok at uuwi. 

Bukas na ang unang araw ni Denise sa unibersidad. Di niya alam kung papasok siya o hindi. Wala talaga siya sa kondisyon na pumasok dahil sa ginawa ni Harley. Pero alam niya sa sarili niya na kailangan niya pumasok dahil alam niyang magagalit ang kanyang magulang kung unang araw palang ng eskwela ay tatamarin na siya.

Di makatulog si Denise. Iniisip niya kung sila pa ni Harley ngayon malamang ay nagpaplano sila kung paano sila magsasabay pumasok bukas ng umaga. Napaluha si Denise. Masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari. Naalala niya ang huling text ni Harley sa kanya. Mula nun, di na muli pang nagparamdam sa kanya sa text si Harley.

( see next chapter :] )

DREAM BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon