Chapter 5

124 1 0
                                    

Magtatapos na ang unang taon niya sa kolehiyo. Nagbakasyon siya sa kung saan-saan para lang ma-relax niya ang kanyang puso't isipan. Pagod na pagod na si Denise magmahal at masaktan. Gusto niyang mag-relax at makalimutan na lahat ng sakit na naramdaman niya kay Harley pati na rin kay Erick. Dalawang lalaki na minahal niya pero hindi siya minahal.

 Nagpasya si Denise na lumipat sa mas malapit na school sa kanila. Mas maganda pero syempre simula ka ulit sa umpisa. Papakilala. Makikihalubilo. Naisip niya na okay naman sana dun sa nauna niyang unibersidad dahil may mga kaibigan siya dun na alam niyang totoo pero syempre gusto na din niya makalimutan si Erick.

Habang nagttwitter si Denise, nakita niya ang account dun ni Erick. I-fofollow ko ba? o hindi? Wala naman sigurong masama kung i-fofollow ko siya. Finollow ni Denise si Erick at nagkaroon ulit si ng komunikasyon dahil sa twitter.

@_Erick19 hi Erick! remember me?? :)

@DeniseChua16 oo naman... kamusta ka na? :)

@_Erick19 ok lang ako.. hehe.. ikaw?

@DeniseChua16 ok lang din ako..

@_Erick19 Stay safe always :)

Nakakapagusap sina Erick at Denise through twitter at nagsisimula nanaman siyang mafall kay Erick.

Ni minsan hindi ka nawala sa puso't isipan ko Erick. Kung alam mo lang kung gaano ako tinamaan sayo. Sana mapansin mo yun at mapahalagahan mo. Gusto talaga kita Erick. Gustong-gusto ko!

Chapter 5:

Ang bilis lumipas ng panahon, kahapon lang ay ang unang araw ni Denise sa bago niyang pinapasukan na unibersidad ngunit ngayon ilang araw nalang ay magtatapos na ang unang semestre niya dito. Gusto naman iyon ni Denise. Binabalak niya na bumalik sa dati niyang unibersidad na pinapasukan. Gusto niyang makita at makasama si Erick araw-araw.

"yes! konting panahon nalang matatapos na ang 1st sem.. di ba kayo naeexcite? makakapagpahinga na din tayo sa wakas!" tuwang-tuwang pagsabi ni Denise.

"hmm.. Naeexcite din naman. Nakakapagod din gumawa ng mga cases noh. If i know, naeexcite ka lang dahil babalik ka na dun sa dati mong pinapasukang unibersidad." sabi ng kanyang klasmeyt na si Sheila.

"hahaha.. syempre naman noh.. buti nga at pumayag ang parents ko na bumalik pa ako dun. Naeexcite na ako makita ulit si Erick." sabi ni Denise.

"dahil kay Erick kaya ka babalik dun. napaka-reasonable ng reason mo. Grabe!" sabi ni Carmel.

"Mahal ko siya at feeling ko na ganun din ang nararamdaman niya para sa akin. Baka dahil sa malayo lang kami sa isa't isa kaya di niya yun nasasabi pa sa akin." sabi ni Denise.

"Sigurado ka bang mahal ka din niya? Eh paano kung ibang tao pala ang tinutukoy niya dun? Paano kung hindi ikaw yun? Masasaktan ka lang ulit Denise. Kung talagang ikaw yung gusto niya edi sana matagal na siyang umamin sayo."  aniya ni Sheila.

Napatigil at napaisip si Denise sa sinabi ni Sheila sa kanya pero alam niya sa sarili niya na hindi siya nagkakamali na mahal din siya ni Erick.

"Baka ikaw lang din ang magsisi sa huli Denise. Kaibigan ka namin kaya ayaw namin na masasaktan ka sa mga desisyon mo." sabi ni Carmel.

Paano nga kung tama ang mga sinabi nina Carmel at Sheila? Paano kung ako lang tong umaasa masyado? Paano kung hindi naman pala talaga ako yun? Masasaktan lang ako sa huli.

DREAM BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon