Chapter 2

18 1 0
                                    

Roanne Zae POV

Hay.. Kakapagod na talaga mag aral, Ang hirap talagang maging isang studyante. Akalain mo, gigising ka ng maaga, papasok sa paaralan, makikinig sa nga walang kwentang sinasabi ng guro, pgkatpos uuwi na nman at matutulog, yan na naman mangyayari sa susunod na araw. Ayyys. Oh diba?? Nakakapagod talaga, pag ako manalo talaga sa lotto hindi na ako mg aaral. Ay teka, bat parang ang tahimik na? Minulat ko ang aking magaganda at mapupungay kung mga mata..

"Bat wala ng tao dito sa classroom??"

May nakita akong sticky note sa desk ko.. Siyempre binasa ko! tanga lang???

Dear Best,

Pasensya ka na ha. Nauna na kmi. Ang hirap mo kasing gisingin eh, Pagnabasa mo na tung sulat na tu, For sure Gising kana. Ingat ka best ha. Sabi nila my multo daw diyan sa paaralan, Lagi raw my nagpaparamdam diyan tuwing gabi.. kaya ingat ka ha. Mahal na mahal kita best.. :(

Nagmamahal,

Best Nadine

Ouchhh! Na touch naman ako sa sulat ng best friend ko, tang ina! Hindi na nga ako ginising.. Tinakot pa ako. Malilintikan talaga siya sakin bukas.. Panu na to? Ang dilim na. Lumabas na ako ng classroom.. Biglang humihip ng malakas at malamig na hangin..

"Waaahhh. diyos ko. parang awa niyo na, palabasin niyo lang ako ng walang anumang nakikita kahit anino mn lang sa dadaanan ko, hinding-hindi na talaga ako magsisinungaling kay Ate, Di na ako makikipagtext mate sa kapit-bahay namin,di na ako mag che cheat pagdating ng exam."

Lumakas lalo yunh ihip ng hangin..

"Waaaahh. Grabe na talaga to, Ayaw ko na.!!"

Kumaripas ako ng takbo.

"Hay! sa wakas nandito na ako sa labas, thank you Lord.. Muahh! Chup2 :*"

.

.

.

Sa wakas narating ko narin ang bahay. Alam mo yung hingal na hingal ka sa pagtakbo. Buti nalang talaga naka uwi ako ng ligtas sa buhay..

"Oh bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Ate sakin.

Anu bang isasagot ko? Hay nako.

"Nakatulog kasi ako sa klase eh,hindi ko namalayan gabi na pala."

"Hay nakong bata ka! Oh siya cge, kain na tayo ng hapunan,tamang tama naluto narin yung ulam natin."

Hay mahal na mahal ko talaga ang ate ko, siya na ang tumatayong ina at ama sa akin. Laking pasasalamat ko na minsan hindi ngbago ang turing niya sakin kahit minsan nagiging sakit na ako sa ulo. Pagkatapos kumain eh,dumiretsu na ako sa kwarto para mgbihis at nang makapagpahinga..

"Ikaw! ikaw! Ou ikaw" Sino ba tung babaeng tu.Parang tanga lang.

"Ou ako! ako! eh anu ngayon?"

"Ikaw ang walang hiyang kumuha ng lollipop ko!wala ka bang pambili?? Palibhasa hampas lupa!"

Anu raw??? ako? hampas lupa at anung lollipop ang pinagsasabi niya???

Riiiiiiinnnnnggggggg!!

"Ay putcha!" Nagising nalang ako sa alarm clock, bwesit na panaginip yon. walang kwenta!tss.

A/N: Hello nErdies :) sorry po sa mga late updates, alam niyo na college life. Pero mg uupdate parin po ako. salamat pala sa mga bumabasa nitong story ko kahit walang kwenta haha. pero sana e vote niyo parin at mas gaganahan po ako if ngcomment kayo :))

Thank you.

I'm In love With This Annoying GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon