CHAPTER 15 - THE STORY BEHIND

67 2 0
                                    

“Ma, am I doing the right thing?” mahinang tanong ni Jade sa inang kakapasok lang sa pintuang narra ng kwarto niya.

“May mga tanong anak na hindi kayang sagutin ng isip at tanging ito lang ang nakakaalam ng sagot” matalinhagang sagot ni Mrs Reyes habang itinuturo ang kanang dibdib.

“May sinabi ka ba sa kanya Ma? After niyo kasing mag-usap hindi niya na ko kinikibo.. Nung nag-dinner tayo, ngumingiti lang siya pero hindi na siya nag-sasalita..” pati mga mata ni Jade ay para na ring nagtatanong habang nakatingin ito sa ina.

“Are you worried about what she thinks? What she act? What she perceives?” tuloy tuloy na tanong ni Mrs. Reyes habang ipinupulupot ang mga kamay pataas malapit sa dibdib.

“What if......I do?” nalilitong tanong ni Jade.

“Then, congratulations son!” nakangiting sagot ng kanyang ina at niyakap siya ng mahigpit.

“Pero natatakot ako Ma, what if masaktan lang din ako ulit? What if maiwan na naman ulit ako? Ayoko ng gumising sa umaga ng may hinahanap akong wala na pala sa tabi ko o may tinatawag ako na hindi naman ako nililingon” malungkot na pagpapahayag ni Jade.

“Hindi mo mahahanap ang Cinderella mo anak kung patuloy kang matatakot. Set yourself free. Maging masaya ka, wag mong pagdamutan ang sarili mo dahil lahat tayo ay deserving magkaroon ng happy ever after” nakangiti pa ring payo ni Mrs. Reyes.

Tama si Mama. Hindi ko dapat sinisira and buhay ko ng dahil lang sa isang walang kwentang babaeng binasura lang ang pagmamahal ko. Hindi ko dapat pinagdadamutan ang sarili kong maging masaya because I deserve to be happy. Hindi dapat ako nabubuhay sa nakaraang hindi na pwedeng maging kasalukuyan. Hindi dapat ako nag-papaiyak ng mga babaeng walang kinalaman sa sakit na tinamo ko. I am going to forget you Samantha, you will never be my hindrance for loving Glena. I like Glena a lot and I want to love her more than I loved you..

Tulalang nakatitig si Glena sa yellowish na kisame ng visitors room kung saan siya kasalukuyang nakahiga.  May mga bagay na ayaw niya sanang isipin pero hindi niya mapigil ang isip sa pagtakbo. Nang marahang bumukas ang pinto at si Jade and iniluwa nito.

Agad na nagtalukbong ng kumot si Glena at tumalikod kay Jade na parang ayaw niya itong Makita.

“Nagtatampo ka ba sa akin o galit ka talaga dahil meron akong itinago sa yo at ibinuko ako ni Mama?” mahinang pagtatantiya ni Jade sa mood ni Glena.

Pero nanatili pa rin sa pagkakatalikod si Glena, hindi ito umiimik pero alam ni Jade na nagtutulog tulugan lang ang dalaga.

“Alam kong naging unfair ako sa yo from the moment na inilihim ko siya. Pero, hindi ko siya itinago sa yo dahil kami pa o may namamagitan pa sa ming dalawa. Hindi ko siya binanggit dahil akala ko hindi na dapat. Which is wrong.. kasi I hurt you most. Pero kung gusto mo talagang malaman, I won’t hesitate to tell you the whole story. My past love story” mahinang pagpapaliwanang ni Jade na para bang naglalambing sa dalagang naghihimutok ang butsi sa nalaman.

“7 years old pa lang ako ng bumalik kami ng mommy ko dito from Canada. We came back here kasi nahihirapan si Mama na makarecover sa death ni Papa. Namatay si Papa dahil sa liver cancer. Malungkot kaming parehas ni Mama dahil parehas kaming nawalan ng minamahal. Nung time na nakaupo lang ako sa harap ng ring sa may garahe namin at nangangalumbaba lang ako, may batang babaeng tumawag sa kin at tinatanong ako kung bakit hindi ko pa dinadampot ang bola para ishoot sa ring.  Nung tiningnan ko yung bata, ang dungis niya, malaking t-shirt na pink ang suot na parang damit pa ata ng tatay niya at puno ng chocolate yung bibig niya. Lumusot yung bata sa grills ng gate namin tapos pinulot yung bola saka nagbasketbol mag-isa sa harap ko. Bigla akong natawa kasi ilang beses siyang nag-attempt ishoot yung bola pero wala namang pumapasok. Naasar siya sa kin kaya ibinato niya sa kin yung bola. Tapos hinamon niya ko na kung maii-shoot ko daw yung bola eh parati na daw siyang magpupunta sa amin at magiging friends na daw kami at pag hindi naman eh babatuhin niya daw ako ng tae ng aso nila. Kaya pinulot ko yung bola at ishinoot sa ring. After nun madalas na siyang nagpupunta ng bahay para makipaglaro sa kin, nagsasabihan kami ng sekreto at talambuhay, sabay kaming kumakain at minsan dahil late na ding nakakauwi yung parents niya eh sabay na din kaming pinapatulog ni Yaya Ading. Sabay kaming nag-aral at natapos ng elementary. Nasaksihan ko din kung paano siyang nagdalaga nung pumasok kami ng high school, nagba-volleyball siya nun, favourite sport niya at gusto niya pinapanuod ko siya para malaman ko daw kung gaano siya kagaling nung mapansin kong may dugo sa pwetan niya. Tinawag ko siya na uyy Samantha dalaga ka na! Napalingon siya sa likuran niya sabay ibinato yung bola sa muka ko. Partners in crime din kami nun, dinadaya namin yung presyo ng field trip namin o kaya nag-iimbento kami ng sariling activity para makahingi ng pera tapos magka-cutting kami sa klase para mag mall. Nag-eenjoy ako sa ginagawa namin noon. Parehas kaming Masaya, Malaya at walang iniintinding problema. Alam ko na din yung mga mood swings niya, yung favourite niyang pagkain, color, movies, songs halos lahat. Hanggang sa nag junior prom kami. That is the time na nadiscover kung maganda si Samantha sa suot niyang cocktail dress na black na 2 inches above the knee, mababa ang neck line na saka ko lang narealize na may boobs na pala siya. Coka cola ang katawan at flawless ang balat. Nakatali and buhok niya ng mataas at kulot ang dulo, she’s wearing red lipstick, brown blush on, blue eye shadow na may pagka-smokey effect. I was mesmerized. Napansin ko na lang na kusa nang naglalakad ang mga paa ko papalapit sa kanya para ayain siya sa isang sayaw. After that night, niligawan ko din siya. Sinagot niya ko before summer vacation at bago kami mag fourth year sa high school. Akala ko nun I was the most lucky guy in the world for having a perfect girlfriend. Masaya naman kami, ginagawa pa rin namin yung mga bagay na ginagawa namin nung hindi pa kami. We both learned how to kiss even to have sex with each other na buti nga hindi ko siya nabuntis. Pero after namin makagraduate ng high school eh madalas na kaming magtalo sa kung saang university kami papasok, at anong course. Ayaw niya kasing nasa iisang school pa rin kami at baka magkasawaan lang daw kami. Pero nagmatigas ako, syempre gusto ko lang naman na i-guard siya at sabay kaming makatapos ng college. During our first year in college natuto ng uminom si Samantha to the point na tinatakasan niya pa ako at madaling araw na siya kung umuwi. Pinagtatakpan ko na lang siya sa parents niya. Ako na din ang gumagawa ng mga assignments at projects niya para hindi siya bumagsak sa mga subjects niya. Naging gimikera na siya, lumalabas siya ng may lalaking kasama to the point na ilang beses niya kong hinamon ng break up. Takot akong mawala siya sa kin kasi sila na lang ni Mama ang meron ako. Hindi na ko sanay ng wala siya sa buhay ko.  Papasok na ko sa school nun nung maisipan kong daanan siya sa kanila para sabay na kaming pumasok. Ilang beses akong nag doorbell pero walang lumalabas. Inakyat ko yung bakod para subukang buksan yung pinto pero naka lock. Walang tao sa buong bahay. Naghintay ako hanggang gumabi pero wala pa ring dumadating. Ilang araw akong nagpabalik balik sa kanila pero wala pa ring bumabalik. Naging mabuti naman akong boyfriend pero bakit nagawa lang akong gaguhin ni Samantha. Nagpaka wasted ako. Inum dito, inum dun. Yosi dito, yosi dun. Gimik dito, babae dun. Tatlong araw lang ang babae sa kin, pinakamatagal ko na yung isang linggo. Yun na yung naging habit ko. Na akala ko hindi na mababago...” mahinang pagtatapos ni Jade sa kwento.

“Do you want to hear further? If you want to hear more, can you please face me for I want you to see how sincere I am for what I’ve decided” pangungumbinsi ni Jade.

Pero nanatili pa rin sa pagkakatalikod si Glena. Nagmamatigas na ayaw maapakan ang pride. Tumayo si Jade mula sa kinauupuan at humiga sa likod ni Glena. Pinagmasdan ang likod ng dalaga saka niyakap ng mahigpit.

“Akala ko hindi ko na mababago yung mga masasamang gawain ko. Bisyo, babae, kasinungalingan, pagtakas sa reyalidad at pagiging sutil sa magulang. Until you came with the same pain I have, I saw you cry, smile, laugh, angry, mesmerize, blush, afraid and normal. I thought this heart couldn’t beat again but then, it started to beat slowly until it races shouting your name. I’m sorry Glena. I’m sorry for not letting you know” malumanay na paglalambing ni Jade sa dalaga.

Tinanggal ni Glena ang pagkakatalukbong ng kumot at kumalas mula sa pagkakayakap kay Jade. Saka bumangon nang paupo sa kama.

“Hindi ako nagagalit, naiinis o nagtatampo dahil nagtago ka ng babae sa kin kundi dahil natatakot akong lokohin mo lang din ako Jade. You know how it feels to be betrayed, being left behind and being lost. Bakit kung kelan nakalaya na ko sa multo ni Ely mumultuhin na naman ako ng one sided love ko sa yo? Bakit kung kelan nagiging Masaya na ko parang agad agad lang ding babawiin sa kin na parang wala akong karapatang sumaya? Gusto kong maging masaya Jade. Gusto kong mag mahal at mahalin. Gusto kong maramdaman na may nagmamahal din sa kin hindi lang sa ngayon kundi sa habang panahon” halos naiiyak na si Glena sa pagpapaliwanag.

“Sino namang nagsabi sa yong one sided love ka na naman ha Glena?” nang-aasar na tanong ni Jade.

“Hindi ba?” patanong naman na sagot ni Glena.

“Sino namang gagong lalaki ang hindi maiinlab sa chicks na gaya mo?” sabay kindat sa dalaga.

“Bakit mo ko nilalait sa harap ni Ely. Bakit hindi ka nag-a-i love you? Bakit parang katawan ko lang ang habol mo?” sunod sunod na tanong ni Glena na niyakap pa ang sarili dahil sa maruming naiisip.

“Nilalait kita sa harap ni Ely para ma-disappoint siya sa yo, Hindi katawan mo ang habol ko sa yo, feeling ka din eh no? As if ang ganda ng katawan mo iha. Lapit ka dito sa kin, may ibubulong ako sa yo” bumangon din mula sa pagkakahiga si Jade at umupo sa kama kaharap si Glena. Unti unti namang lumapit si Glena kay Jade.

“I love you Glena Tan” malakas na bulong ni Jade. Saka tuluyang tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Glena sa pagpatak. Dahan dahang iniangat ni Jade ang dalawang palad at pinahid ang mga luha ni Glena saka tuluyang idinikit sa magkabilang pisngi ng dalaga. Dahan dahang inilapit ni Jade ang mukha at tuluyang idinikit ang mga labi sa labi ng dalaga.

For once in my life I’ve heard that words. I’ve waited for a long time for somebody to tell me that he loves me. And now, somebody does.. Jade’s whisper of I love you is a loud shout that makes my world upside down. Makes my heart beat so loud and fast. Now, I am starting to believe that prince charming really does exist and that happy ever after is applicable in reality and not for fairytales only. If I am Cinderella and if Jade is the Prince, I am praying that the witch will never come...

Beat My Heart Beat Box Boy!Where stories live. Discover now