The Past: 1

48 0 1
                                    

The Past

20 days before summer.

"Kaya ko pinatawag kayo dito because there is someone asking a favor for us to coordinate with him for the upcoming futsal tournament which will be held dito sa school," sabi ng president ng student council namin.

Obviously part ako neto. Ang hirap pala maging officer. Newly elected lang kami tapos may task na agad!

May isang alumni daw na nagpapatulong sa amin para sa upcoming futsal tournament sa school this summer.

Sinabi lang sa amin ang mga kinakailangan and other stuffs for the upcoming tournament. Hindi nalang ako nakinig since hindi ako interesado sa mga ganoong stuffs. I am not the sporty type of kid.

By the way, I am Reselyn Wence Formonte. Isang junior at malapit nang magsenior pero nasa Grade 1 parin ang utak. Slow kasi lagi ehh. I am still 14 pero magfofourth year na. Ganyan talaga pag matalino! Naks! Hahahaha. Joke lang po.

"Guys! Movie Marathon tayo!" sigaw ni Lex dahil alam kong nabobore na siya.

Wala na kasing regular classes since yung teachers busy na sa pagcompute ng grades namin.

Nag-agree naman ang klase at ang una naming pinanuod ay ang Warm Bodies. Nakapanuod na ba kayo neto? Ang ganda ng movie. Possible pala ang love kahit magkaiba ang mundo at anyo nyo. Sana makahanap ako ng ganong love.

Habang nageenjoy na ako, may epal naman sa buhay! Ughh! Nakakabadtrip! Dikit ng dikit! Bakit?! Mighty Bond ba ako?!

"Hi Wence!" sabi ni Blake habang nakadikit sa akin na parang may glue sa gitna namin.

Palaging sira ang araw ko ng dahil sa lalaking ito. Mahilig kasi mang-asar. Gwapo nga siya pero sobrang papansin. Kainis!

Oo, tama kayo. Gwapo siya. Isang soccer player at may pandesal pa. Siya na rin yung lalaki na pinapangarap at pinagpantasyahan mo. Pero pinapangako ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove sa isang Blake Trasmonte!

"Uie! Kayo ha! Manood nalang kayo, mamaya na yan. Ang sweet na nga ng movie ohh tapos nagdodogfight kayo dyan." nang-aasar na sabi ng aming kaklase.

 "Blake! Pwede ba?! Kahit isang segundo lang?! Layuan mo muna ako?! Mas maganda nga kung forever na eh!" galit na galit na sabi ko kay Blake. Kumukulo nanaman yung dugo ko ng dahil sa taong ito. Wala kasing araw na hindi dumidikit sa akin.

"Ehh sa gusto kong palaging nasa tabi ehh," sagot naman nya na nakapout na parang bata. ang cute nya tuloy tignan. Lalong gumagwapo!

Ano bang iniisip mo Wence?! Erase! Erase! Erase!

Natapos ang araw na nakadikit parin sa akin si Blake.

Kinagabihan ako ay nabore at naisipan na maggroup message.

Wala namang masyadong laman ang gm ko.

Ilang minuto lang ng paghihintay at nagbeep ang phone ko. Tinignan ko naman kung sino. At sa kasamaang palad. Si Blake pala. Nang-aasar nanaman.

Fr: Asungot

Goodevening CRUSH!

Aba at all caps pa ang word na crush ha! Agad ko din namang rineplyan.

To: Asungot

Pati sa text nangaasar ka?!

Wala pang 30 seconds at nagbeep nanaman ang phone ko.

Fr: Asungot

Hindi naman ako nang-aasar. Totoo naman talaga yung sinabi ko. Crush talaga kita.

Hindi ko nalang siya nireplyan para hindi na humaba ang storya. Ganyan naman talaga siya mang-aasar. Madalas niyang sinasabi na may crush siya sa akin.

Kahit kailan hinding hindi ako maiinlove sa kanya. Ang gwapo nga niya pero ubod naman ng kakulitan.

Sa halip na replyan, natulog nalang ako.

Marami ako iniisip pero ang nagstandout sa lahat ng iniisip ko ay si Blake.

Pati sa pagtulog ba talaga at siya ang makikita ko?

Ewan ko ba at bakit ako nagkaganito. Hindi ko nalang pinakealaman ang mga iniisip ko at natulog nalang ng tuluyan.

LET PAST BE THE PRESENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon